Nawawalang pari mula sa Diyosesis ng Imus, natagpuan na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,346 total reads

Natagpuan na si Fr. Leoben Peregrino o mas kilala bilang Fr. Phem na mahigit-48 oras na nawala magmula nang umalis ito ng kumbento noong April 1, 2022.

Sa isang video na natanggap ng Veritas Patrol ay makikita ang sasakyan na lulan ang pari na nakatali ang mga kamay, paa, at leeg na agad namang tinulungan ng mga residente ng Barangay Lumil, Silang, Cavite.

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan na ang nangyari kay Fr. Phem na natagpuan halos tatlong araw matapos na ito ay mawala.

Sa pamamagitan naman ng Facebook post ay nagpaabot ng pasasalamat ang kapatid ni Fr. Phem na si Joel Peregrino sa lahat ng mga nanalangin para sa kaligtasan ng pari.

https://m.facebook.com/joel.peregrino.391?fref=nf

“Salamat po sa inyong mga panalangin. Dininig po ng Diyos ang ating mga dasal. Nakita na po si Father Phem Octavo Peregrino sa Barangay Lumil Silang, Cavite. Buhay po siya,” ayon kay Peregrino.

Si Fr. Phem ang kasalukuyang rektor at kura paroko ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of The Most Holy Rosary – Reina de Caracol sa Rosario, Cavite na saklaw ng Diocese of Imus..

Una nang ibinahagi ni Peregrino sa Radio Veritas na umalis ng kumbento si Fr. Phem noong April 1 bandang alas-9:30 ng umaga na tanging wallet lamang ang dala sakay ng sasakyan ng parokya na isang white Mitsubishi Adventure na may plate number na VES 470.

Kasunod nito ay mayroong nakakita sa pari na nagpapagasolina malapit sa isang mall sa Rosario, Cavite.

“Hindi n’ya po dala ang phone n’ya. Wallet lang po ang dala n’ya. Wala rin po siyang kasama noong umalis ng 9:30 AM sa simbahan,” ayon kay Peregrino sa panayam ng Radio Veritas.

Batay naman sa nakuhang CCTV footage, bandang alas-10:53 ng umaga nang dumaan ito sa Barangay Santiago, General Trias, Cavite kung saan huling namataan ang pari sa pagitan ng alas-11 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali papalabas ng isang mall sa General Trias mayroong suot na violet na T-shirt at maong na pantalon.

Hinihiling naman ng pamilya ni Fr. Phem na patuloy itong isama sa panalangin matapos ang sinapit nito.

Samantala, hinihintay naman ang opisyal na pahayag ng Diocese of Imus kaugnay sa nangyari kay Fr. Phem.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 859 total reads

 859 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 8,119 total reads

 8,119 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 22,588 total reads

 22,588 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 63,149 total reads

 63,149 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 89,998 total reads

 89,998 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 138,263 total reads

 138,263 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 159,320 total reads

 159,320 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,856 total reads

 128,856 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top