Mamamayan, hinimok ng simbahan na huwag katakutan ang mga pulis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,542 total views

Tiniyak ng Philippine National Police Chaplain Service ang pagpapalalim at pagpapayabong sa pananampalataya sa panginoon ng mga pulis.

Ito ang tiniyak ni PNP Chief Chaplain Police Colonel Father Jaime Seriña sa mga dumalong pulis sa idinaos na misa para sa ‘Jubilee of Police’ sa Our Lady of Annunciation Parish and Shrine of the Incarnation (OLAP) sa Diocese of Novaliches.

Ayon kay Fr.Seriña, kaisa ng mga pulis ang simbahan sa mga mabubuting adhikain na isusulong para sa bayan.

“Ipakita natin sa sambayanang Pilipino na kami po ay maka-Diyos at kami po ay sumusuporta sa anumang mga religous activities lalung-lalu sa year of Jubilee ngayong 2025, it’s good that we’ve become partners in this religous activities so that- involving sa Pilipinas para sa spiritual aspect namin, it uplifts our moral and to the Filipino People na kami po ay maka-Diyos at kami po ay kasangga ng mga Pilipino lalung-lalu na sa mga espiritwal na mga bagay,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Seriña.

Ipinarating naman ni Father Joel Saballa ng Our Lady of Annunciation Parish and Shrine of the Incarnation (OLAP) ang kagalakan sa naging pakikiisa ng Philippine National Police at PNP Chaplain Service sa misang inalay para sa ‘Jubilee of Police’ sa kanilang simbahan.

Ayon sa Pari, layunin ng gawain na ipakita sa mamamayan ang dedikasyon ng mga pulis sa kanilang trabaho upang pangalagaan ang seguridad at kapayapaan nang bansa.

Umaasa ang Pari na patuloy na palalimin ng mga Pilipino ang kanilang kaalaman sa kahalagahan ng trabaho ng mga Pulis na huwag katakutan at sa halip ay gawing silang ehemplo.

“Unang-una ay nagpapasalamat po tayo sa Panginoon at sa ating Kapulisan lalo kay Gen Marbil sa pag-allow niya na dumalo ang ating kapulisan para sa ganitong pagdiriwang, pasasalamat at pagkilala sa kabayanihan, dedikasyon ng ating mga kapulisan, itong aming parokya ay Shrine of Incarnation, we’re hoping and dreaming that the PNP can incarnate also the Lord, the BFP would incarnate the presence of the Lord in their mission gayundin sa AFP cause this is Shrine of Incarnation at ini-incarnate Christ in their mission with our Filipino People,” ayon sa panayam kay Father Saballa.

Unang idinaos sa OLAP noong March 15 ang Jubilee for Fire Fighter sa pakikipagtulungan sa Bureau of Fire Protection.

Susunod naman ang Jubilee Mass na iaalalay para sa Bureau of Jail Management and Penology at Armed Forces of the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 31,868 total views

 31,868 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 59,873 total views

 59,873 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 77,673 total views

 77,673 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 76,419 total views

 76,419 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 186,510 total views

 186,510 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

I-alay ang buhay sa mahal na birheng Maria

 2,954 total views

 2,954 total views I-alay ang pananampalataya at buhay sa Panginoon at sa Mahal na Birheng Maria. Ito ang mensahe at pagninilay sa Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas

Read More »
Scroll to Top