Mamamayan, inaanyayahan ng Radio Veritas na makiisa sa programang “Banal na Oras” para sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 565 total views

Inaanyayahan ng Radio Veritas ang mga Kapanalig na makiisa sa programang “Ang Banal na Oras” bilang pakikiisa sa paggunita sa Earth Hour ngayong taon

Ito’y sa pakikipagtulungan ng World Wildlife Fund for Nature – Philippines at Association of Major Religious Superiors in the Philippines na isasagawa mamayang alas-8 hanggang alas-10 ng gabi.

Tema ngayong taon ang #SpeakUpForNature na hinihikayat ang lahat na kumilos upang muling mabuo ang lipunang mag-aakay tungo sa ekonomiyang uunahin ang kapakanan ng kalikasan.

Binibigyang-diin dito na dapat ipahayag at ipagtanggol ng bawat isa ang kalikasan upang makita at marinig ng iba’t ibang pinuno ng mga bansa ang nais ipaglaban ng mamamayan para sa karapatan ng ating nag-iisang tahanan.

Tatalakayin sa programa ang mga suliraning patuloy na hinaharap ng bansa dahil sa walang tigil na pagsira sa kalikasan at ang kasalukuyang epekto ng nakamamatay na coronavirus disease.

Samantala, magsisilbi namang host ng programa ng himpilan si Fr. Angel Cortez, OFM, ang co-executive secretary ng AMRSP.

Kabilang sa mga magiging tagapagsalita sina Manila Apostolic Administrator Most Rev. Broderick Pabillo; NASSA/Caritas Philippines Communications and Partnerships Development Coordinator Ms. Jing Rey Henderson; at ang National Director ng WWF-Philippines na si Atty. Angela Ibay.

Isasagawa rin sa programa ang tradisyonal na pagpapatay ng mga ilaw sa loob ng isang oras, simula alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi at sasabayan ng sama-samang pagdarasal ng Santo Rosario kasama ang Consecrated Men and Women in the Philippines sa pangunguna ng Dominicas dela Anunciata mula sa Anunciata Community.

Mapapanood ang programa sa Veritas846.ph facebook page at mapapakinggan sa DZRV 846 KHz AM.

Taong 2007 nang unang isagawa ang programa sa Sydney, Australia, at 2008 nang ilunsad naman ito sa Pilipinas.

Hinihikayat naman ng WWF-Philippines ang mga Filipino na makiisa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga online content at gamitin ang mga hashtag na #EarthHour2021, #Connect2Earth at #SpeakUpForNature.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 55,279 total views

 55,279 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 55,279 total views

 55,279 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 55,279 total views

 55,279 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 53,602 total views

 53,602 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 48,964 total views

 48,964 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top