Mamamayan ng Isla ng Sibuyan, naninindigan laban sa pagmimina

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,163 total reads

Muling nagpahayag ng pagtutol ang mamamayan ng Sibuyan Island sa Romblon laban sa operasyon ng pagmimina sa isla.

Ito ay sa ginanap na pagtitipon sa pagitan ng mga residente at Philippine Environmental Impact Statement System bilang bahagi ng aplikasyon ng Altai Philippines Mining Corporation para sa Environmental Compliance Certificate.

Ayon kay Living Laudato Si’ executive director Rodne Galicha, marapat lamang na igiit ng mga residente ng Sibuyan ang kanilang karapatan laban sa pagmimina dahil ito ay likas na yamang dapat na pakaingatan at higit na pagyabungin.

Sinabi ni Galicha na ang tao ay katiwala lamang ng Diyos upang pangalagaan ang kalikasan, kaya’t hindi nararapat na abusuhin at sirain ito para sa pansariling kapakanan.

“Ang kalikasan ng Sibuyan mula tuktok ng bundok hanggang sa kailaliman ng karagatan ay bigay ng Maykapal, at tayong lahat ay pawang mga katiwalang naatasang pangalagaan ito upang tugunan ang pangangailangan ng kasalukuyan nang hindi isinasawalang-bahala ang kapakanan ng mga susunod na salinlahi,” pahayag ni Galicha.

Kabilang sa mga ipinapanawagan ng mga pamayanang tutol sa operasyon ng Altai Mining ang magiging negatibong epekto nito sa kalikasan at buhay ng tao tulad ng pagkaubos ng kagubatan, pagguho ng lupa, polusyon sa tubig, at ang pagkakaroon ng mga malawakang pagbaha.

Iginiit naman ni Alyansa Tigil Mina national coordinator Jaybee Garganera na dapat pakinggan at igalang ng mga kinauukulan ang hinaing ng mga residente upang maisalba ang pinakaiingatang likas na yaman ng Sibuyan Islands.

“There is a strong clamor to protect the natural resources of Sibuyan, known to be the Galapagos of Asia, and the protected area, which is Mt. Guiting-guiting,” ayon kay Garganera.

Nauna nang naglabas ng joint resolution ang Sangguniang Bayan ng San Fernando, Cajidiocan, at Magdiwang sa Romblon na mariing tinututulan ang operasyon ng large-scale mining sa Sibuyan Island.

Gayundin ang panawagan sa pamahalaan lalo na kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Environment Secretary Toni Yulo-Loyzaga na suriin, ihinto, bawiin, at tanggihan ang lahat ng kasunduan, operasyon, at aplikasyon ng pagmimina sa kinasasakupan ng Sibuyan Island.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 23,993 total reads

 23,993 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 8,798 total reads

 8,798 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 49,358 total reads

 49,358 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 76,860 total reads

 76,860 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 125,125 total reads

 125,125 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 146,868 total reads

 146,868 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,287 total reads

 128,287 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top