Mamamayan ng NCR, pinapaalalahanan sa implementasyon ng ECQ

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 463 total views

Magsisimula na mamayang hatinggabi ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region na magtatagal hanggang Agosto 20.

Ipinag-utos ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases upang maiwasan ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at paglaganap ng mas nakakahawang Delta Variant.

Ayon sa Department of Health, sa 17 lungsod sa Metro Manila, siyam rito ang nakapagtala ng kaso ng pinangangambahang delta variant.

Ito ay ang mga lungsod ng Las Pinas na nakapagtala ng 14 na kaso ng Delta variant, sumunod ang Maynila na mayroong 12 kaso; Pasig na may anim na kaso, Caloocan at Malabon na may tig-apat na kaso; habang ang Makati naman ay mayroong tatlong kaso; Mandaluyong at San Juan na may tig-dalawang kaso at Valenzuela na may isa lamang na kaso.

Samantala, nakatakda namang maglabas ng desisyon ngayong araw, Agosto 5, ang IATF hinggil sa ipapatupad na community quarantine classification sa mga lalawigan sa CALABARZON kung saan nakapagtala rin ng mataas na kaso ng Delta variant.

Kasalukuyang nasa ilalim ng Modified ECQ ang buong lalawigan ng Laguna hanggang Agosto 15, habang nasa ilalim naman ng General Community Quarantine with heightened restrictions ang Cavite, Rizal at Lucena City hanggang Agosto 15, at GCQ naman sa Batangas at Quezon hanggang Agosto 30.

Batay sa huling tala ng DOH-Region 4A, naitala ang 12,317 kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON matapos makapagtala ng 1,001 panibagong kaso. Naitala naman ang 638 panibagong bilang ng mga gumaling at 32 naman ang mga nasawi.

Patuloy naman ang pagtalima ng simbahan sa mga ipinapatupad na panuntunan ng pamahalaan bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga mananampalataya laban sa nakakahawang virus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 13,027 total views

 13,027 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 13,027 total views

 13,027 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 13,027 total views

 13,027 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 12,530 total views

 12,530 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 11,337 total views

 11,337 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top