Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, pinaalalahanan ng Simbahan sa “Momo challenge”

SHARE THE TRUTH

 225 total views

Ang anumang nagdadala sa sinuman sa pananakit sa sarili o pananakit sa kapwa ay hindi nagmula sa Diyos kundi gawain ng demonyo.

Ito ang binigyang diin ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa pangamba ng mga magulang sa mga online at social media challenge na nagdudulot ng masamang epekto sa mga kabataan.

Payo ng Obispo, dapat na mag-ingat ang bawat isa sa pakikilahok sa anumang laro o pagsubok na walang katiyakan ang layunin at hangganan.

Pinayuhan ni Bishop Bacani ang mamamayan na suriing mabuti kung ang pakikilahok sa anumang laro, samahan o grupo ay makabubuti hindi lamang sa kapanakanan ng pangangatawan, kalusugan at puso ng bawat indibidwal kundi maging sa mismong kaluluwa.

“Ang anumang nagmumungkahi o sinumang nagmumungkahi sa inyo na saktan ang inyong sarili o lalong lalo na kitilin ang inyong sariling buhay, makasisigurado kayo hindi yan galing sa Diyos at malamang 100-percent galing sa demonyo yan, kaya mag-iingat kayo at huwag kayong papasok basta-basta sa anumang laro, titingnan muna ninyo kung ang larong yan ay makabubuti sa inyong pangangatawan, sa inyong kalusugan, sa inyong kaluluwa at sa inyong puso, kung nakikita ninyo na dinadala kayo sa anumang nakakasakit para sa inyong sarili o pananakit sa ibang tao yan hindi galing sa Diyos, galing sa demonyo yan…” pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas

Kaugnay nito, binalaan ng mga otoridad ang mga magulang na bantayan ang kanilang anak sa paggamit ng internet matapos ang pagpapatiwakal ng isang 11-taong gulang na bata na hinihinalang dahil sa kumakalat na online challenge na nag-uutos ng pananakit ng kapwa at sarili.

Tampok sa nasabing ‘momo challenge’ ang nakakatakot na larawan ng isang babae na base sa isang sculpture sa isang museum sa Japan ay nagsimula sa isang messaging app.

Sa pamamagitan ng chat ay uutusan ang mga biktima na kadalasan ay mga bata na saktan sarili at kapwa na kumalat na rin maging sa youtube at sa iba pang social media platforms.

Dahil ditto, iginiit ni Bishop Bacani na ang makabagong teknolohiya ay dapat na gamitin para sa ikabubuti ng mamamayan at hindi para sa ikasasama ng sinuman.

Inihayag ng Obispo na ang teknolohiya ay kabilang sa mga biyaya ng Panginoon sa sanlibutan na naglalayong maging instrumento para sa kabutihan hindi lamang ng buhay kundi maging kaluluwa ng bawat indibidwal.

“Yung anuman pong modern technology alam niyo naman, yan ay mga bagay na pwede natin at dapat nating gamitin para sa ikabubuti ng katawan at kaluluwa ng ating mga kababayan kaya gamitin po natin sa mabuting paraan at huwag kayong pagagamit o huwag ninyong gamitin ang anumang mga technology para sa ikasasama ng sinuman sapagkat yan ay nilalang ng Diyos para sa kabutihan nating mga tao…” dagdag pahayag ni Bishop Bacani

Naunang lumabas sa Digital 2018 report ng London, United Kingdom-based consultancy na We Are Social na nangunguna pa rin ang Pilipinas sa social media usage sa buong mundo.

Nabatid sa nasabing digital report 2018 na umaabot sa 9 na oras at 29 na minuto kada araw ang ginugugol ng nasa 67-milyong internet users na Filipino na mayroong social media accounts.

Nasasaad sa isang dokumento ng Vatican na may titulong Church and the Internet, sinasabing mahalagang magamit din ng Simbahan ang makabagong teknolohiya tulad ng internet para ipahayag ang misyon ni Panginoon.

Samantala, nauna nang nanawagan at hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat isa na gamitin sa mas makabuluyang pamamaraan at pagpapalaganap ng ebanghelyo ang mga modernong gadget partikular na ang internet at social media.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 14,834 total views

 14,834 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 65,397 total views

 65,397 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 13,652 total views

 13,652 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 70,578 total views

 70,578 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 50,773 total views

 50,773 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Union of Bicol Clergy, itinakda

 3,520 total views

 3,520 total views Nakatakdang magtipon ang mga pari mula sa walong ecclesiastical jurisdictions ng Bicol region na nasa ilalim ng manto ng Mahal na Ina ng Peñafrancia na siyang patron ng rehiyon ng Bicolandia. Magtitipon ang Union of Bicol Clergy sa ika-17 hanggang ika-19 ng Setyembre, 2024 na may tema ngayong taon na “Forging Bikol Priestly

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Sambayanang Pilipino, inaanyayahan sa international “good governance” webinar

 3,597 total views

 3,597 total views Inaanyayahan ng Catholic Teachers’ Guild of the Philippines (CTGP) ang mga layko na makibahagi sa nakatakdang international webinar na tatalakay sa kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa mabuting pamamahala o good governance. Ayon kay CTGP National President Prof. Belén L. Tangco, OP, PhD, tampok sa international webinar ang anim na guest speakers’ mula

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Archdiocese of Jaro, nagpapasalamat sa NHCP

 4,009 total views

 4,009 total views Pinangunahan ni Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo ang paglagda at pagtanggap ng certificates of transfer and acceptance sa dalawang restoration projects ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa convent at ceiling paintings ng Sta. Ana Parish Church sa Molo, Iloilo City. Naganap ang turn-over ceremony noong ika-8 ng Setyembre, 2024 kasabay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, inaanyayahang makiisa “One minute for Peace”

 6,580 total views

 6,580 total views Inaanyayahan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang mananampalataya na makibahagi sa One Minute for Peace na paglalaan ng isang minutong pananalangin para sa kapayapaan ng daigdig sa ika-8 ng Setyembre, 2024 hanggang sa ika-8 ng Hunyo ng susunod na taong 2025. Kaisa ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Founder ng St. Arnold Janssen Kalinga Center, pinarangalan ng Ateneo de Manila University

 9,545 total views

 9,545 total views Kinilala ng Ateneo de Manila University si Divine Word missionary priest Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva, SVD bilang isa sa mga awardee ng 2024 Traditional University Awards. Igagawad kay Fr. Villanueva ang ‘Bukas Palad Award’ bilang pagkilala sa pambihirang misyon at adbokasiya ng Pari sa pagtulong sa mga palaboy sa Maynila at sa mga

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

11-Diocesan Council of the Laity, magsasama-sama sa Conference on Prayer

 13,157 total views

 13,157 total views Umaasa ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity na maging makabuluhan at epektibo ang nakatakdang Conference on Prayer ng Ecclesiastical Province of Manila upang maihanda ang bawat layko sa Jubilee sa 2025. Ayon kay LAIKO National President Bro. Francisco Xavier Padilla, layunin ng pagtitipon

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mga bayaning Pilipino, dapat ipagmalaki at bigyang pagkilala

 12,990 total views

 12,990 total views Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na naangkop lamang na patuloy na alalahanin at bigyang pagkilala ang pagsasakripisyo at pag-aalay ng buhay ng mga bayani ng bansa. Ito ang ibinahagi ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations between Bishops and Consecrated Persons

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Diocese of Cubao, nakiisa sa Quezon City Day

 17,422 total views

 17,422 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Diyosesis ng Cubao sa paggunita ng Quezon City sa ika-146 na taong kapanganakan ng tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa” na si dating Pangulong Manuel Luis Quezon. Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco,naangkop na patuloy na alalahanin at kilalanin ang mahalaga at natatanging kontribusyon ni dating Pangulong Quezon sa pagpapatatag

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Patuloy na pananalangin para sa kapayapaan, panawagan sa mananampalataya

 18,062 total views

 18,062 total views Nanawagan ang dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng patuloy na pananalangin para sa kapakanan at kabutihan ng bansa. Ito ay kaugnay na rin sa pagtatapos ng 50-Day Rosary Campaign for Peace, bilang panalangin ng sambayanan sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa sa West Philippine Sea. Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Archdiocese of Caceres at Naga-LGU, lumagda sa kasunduan

 19,081 total views

 19,081 total views Opisyal na lumagda sa kasunduan ang pamunuan ng Archdiocese of Caceres at lokal na pamahalaan ng Naga City para sa paghahahanda sa nalalapit na paggunita ng Peñafrancia 2024. Pinangunahan ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang naganap na Peñafrancia 2024 Multi-agency Cooperation Group Memorandum of Agreement signing and meeting na dinaluhan ng mga

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mananampalataya, inaanyayahan sa “Conference on Prayer”

 22,648 total views

 22,648 total views Umaasa ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity sa aktibong pakikibahagi ng mga laiko sa nakatakdang Conference on Prayer ng Ecclesiastical Province of Manila. Tinagurian ang nasabing Conference on Prayer na Araw ng mga Layko Buklod Panalangin: Bukal ng Pag-asa na nakatakda sa ika-31

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

50-days countdown sa golden jubilee year, sinimulan ng Archdiocese of Tuguegarao

 32,892 total views

 32,892 total views Opisyal nang sinimulan ng Archdiocese of Tuguegarao noong unang araw ng Agosto, 2024 ang 50-days countdown para sa ikalimangpung taon selebrasyon o Golden Jubilee Year celebration ng arkidiyosesis. Paanyaya ni Tuguegarao Archbishop Ricardo Baccay ang sama-samang pasasalamat at pagbabalik tanaw sa patuloy na paglago at pagkakaroon ng matatag na Simbahan at pananampalatayang Katoliko

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Online forum on Marriage, pangungunahan ng Canon Law Society of the Philippines

 27,695 total views

 27,695 total views Puspusan ang pagkilos ng Super Coalition Against Divorce (SCAD) upang mapaigting ang kamalayan ng bawat Pilipino sa kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya sa bansa. Bilang tugon sa patuloy na tangkang pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas, magsasagawa ng panibagong serye ng online forum ang SCAD upang talakayin ang paninindigan at posisyon ng Simbahan sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Seminario de Jesus Nazareno, humiling ng tulong

 25,691 total views

 25,691 total views Umapela ng tulong ang pamunuan ng Seminario De Jesus Nazareno sa Diyosesis ng Borongan sa muling pagtatayo at pagsasaayos ng seminary chapel at social hall ng minor seminary na nasunog noong Linggo, ika-28 ng Hulyo, 2024. Ayon kay Seminary Rector-Principal Rev. Fr. Juderick Paul Calumpiano, ganap na ala-una ng hapon nagsimula ang sunog

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Unveilling ng historical marker sa tinaguriang father of Bisayan history, pinangunahan ng NHCP

 23,814 total views

 23,814 total views Pinangunahan ni Diocese of Catarman apostolic administrator Bishop Nolly Buco ang paghahawi ng tabing sa panandang pangkasaysayang para sa mahalagang ambag ni Padre Francisco Ignacio Alcina, S.J. isang Heswita na kilalang historyador, misyonero, at tagapagtanggol ng mga katutubo na sa Visayas region. Naganap ang unveiling ng historical marker para kay “Padre Francisco Ignacio

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top