Mamumuhunan, hinimok na maging environment friendly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 449 total reads

Hinimok ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. ang mga mananampalataya sa pagtatapos ng Season of Creation na maging katulad ni St. Francis of Asisi.

Ayon sa Obispo, kung ituturing ng bawat tao na kapatid ang araw, buwan, hangin, lupa, apoy at tubig, ay magiging maayos ang pag-aalaga sa kapaligiran.

Dagdag pa ng Obispo, kung maayos ang turing at pag-aalaga sa kalikasan ay ibabalik nito sa bawat nilalang ang pag-aarugang ibinibigay sa kanya ng mga tao.

“Kapag ka ang tingin mo sa mundo ay kapatid mo katulad ni St. Francis, sabi nya “Brother Sun, Sister moon, Brother Fire, Sister Earth, at lalo na pag nakakita ng tao, Brother, sister…” kapagkaganyan, iingatan natin ang ating sarili, iingatan ang kapwa tao, iingatan ang mundo, at pagagandahin pa ito,” pahayag ni Bishop Bacani sa kanyang Homiliya sa pagtatapos ng Season of Creation.

Pormal nang nagtapos ang ika-limang taon ng pagdiriwang sa Panahon ng Paglikha noong ika-4 ng Oktubre,2017.

Gayunman, naninindigan ang Simbahang Katolika na hindi dito natatapos ang adbokasiya para sa pangangalaga sa kalikasan.

Sa katunayan 40 iba’t-ibang katolikong institusyon mula sa iba’t ibang bansa ang nagpakita ng seryosong aksyon upang mapangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng pag-aalis ng pondo sa mga may kinalaman sa maruming pinagkukunan ng enerhiya na fossil fuels.

Kabilang sa mga institusyon ang Bishops Conference in Belgium, ang Diocese of Asisi, Catholic Bank, at iba pang arkidiyosesis, unibersidad at religious congregations.

Ang mga naturang institusyon ay nagmula sa mga bansang Argentina, Australia, Belgium, Germany, Ireland, Italy, Kenya, Sierra Leone, South Africa, United Kingdom, at United States of America.

Natukoy sa pag-aaral ng United States Environmental Protection Agency, na ang mga coal power plants o paggamit ng fossil fuels ang pangunahing dahilan ng pagdami ng carbon emissions na naiipon sa kalawakan na sya namang dahilan ng pag-init ng mundo.

Kaugnay dito, umaasa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines na susunod na ring magda-divest ang mga kilalang bangko sa Pilipinas at iba pang malalaking commercial institutions, dahil sa pag-aaral ng Philippine Movement for Climate Justice, sa kasalukuyan ay mayroon nang 19 na pasilidad ng Coal Fired Power Plants sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 56,687 total reads

 56,687 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 135,955 total reads

 135,955 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 169,400 total reads

 169,400 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 204,698 total reads

 204,698 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 428,928 total reads

 428,928 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,801 total reads

 37,801 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,690 total reads

 30,690 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top