Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, hinimok ng Archdiocese of Manila na makiisa sa “day of prayer and fasting”.

SHARE THE TRUTH

 3,526 total views

Hinimok ng Archdiocese of Manila ang kristiyanong pamayanan na magbuklod sa pananalangin para sa kapayapaan ng mundo.

Ito ang pakikiisa ng arkidiyosesis sa panawagan ng Santo Papa Francisco na ‘day of prayer and fasting’ sa October 27 na layong ipagdasal na mawakasan ang digmaan sa iba’t ibang mga bansa.

“We encourage our communities to organize prayer initiatives for this intention like the Mass for Peace, Adoration of the Blessed Sacrament/Holy Hour, the praying of the holy rosary, or any other celebrations of the Word of God.” bahagi ng pahayag ni Manila Vice Chancellor Carmelo Arada, Jr.

Magbibigay ng liturhiya para sa Eucharistic Adoration for Peace in the Holy Land ang arkidiyosesis na maaring gamitin ng mga parokya at komunidad sa isasagawang pananalangin para sa kapayapaan.

Naunang tiniyak ng Santo Papa Francisco ang pakikiisa at pananalangin sa mga biktima ng digmaan, ang mga nasawi, mga dinukot at lubhang nasugatan na ayon sa datos umabot na sa mahigit 15, 000 katao.

Sa nagpapatuloy na digmaang sumiklab noong October 7 sa pagitan ng Israel at Hamas militant group mahigit 5, 000 na ang nasawi sa magkabilang panig lalo na sa mga Palestinian sa Gaza strip ang sentro ng kaguluhan.

Nanindigan si Pope Francis na kailanman ay hindi matutugunan ng digmaan ang anumang hindi pagkakasundo bagkus ay lalo itong magdulot ng pagkasira at pagkakawatak-watak ng pamayanan.

Nakiusap din ang pinunong pastol kay US President Joe Biden na gumawa ng hakbang upang matulungang maisulong ang kapayapaan sa buong daigdig at matigil ang digmaan sa mga magkatunggaling mga bansa.

Bukod sa Archdiocese of Manila nagpahayag na rin ng pakikiisa ang iba pang arkidiyosesis, diyosesis, at bikaryato tulad ng Lingayen-Dagupan, Malolos, San Carlos – Negros Occidental, Taytay, Palawan gayundin ang Prelatura ng Marawi.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,708 total views

 73,708 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,703 total views

 105,703 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,495 total views

 150,495 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,442 total views

 173,442 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,840 total views

 188,840 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 884 total views

 884 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,936 total views

 11,936 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top