36th Prison Awareness Week, pormal na sinimulan ng MOP

SHARE THE TRUTH

 14,981 total views

Opisyal ng nagsimula ang paggunita ng 36th Prison Awareness Week o ‘Linggo ng Kamulatan sa mga Bilanggo’.

Pinangunahan ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang pambungad na gawain sa pamamagitan ng pagdiriwang ng banal na misa sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – CBCP chapel sa Intramuros, Manila.

Ayon kay Bishop Florencio na siya ring incoming chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, mahalaga ang paggunita ng Prison Awareness Week upang mapatatag ang pagmimisyon at kamalayan ng lahat sa prison ministry ng Simbahan para sa higit na pagiging epektibong daluyan ng habag, awa at pagmamahal ng Panginoon para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nagkasala at nagkamali sa buhay na kadalasan ng naisasantabi sa lipunan.

“Itong one week na celebration ng prison awareness ito ay mahalaga para sa atin na meron tayong mga kapatid na PDL na nandoon sa kulungan, hindi man siguro nila ginusto ang mga ito ngunit sa mga ginagawa natin siguro yun ang nangyari sa kanila, ngunit hindi natin ibig sabihin na nawawala sila sa syudad kasi sila din po ay mga tao katulad natin, nilikha ng Diyos, minahal ng Diyos so dapat mayroong support din tayo doon lalong lalo na coming from yung mga taong may generous heart.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Binigyang diin rin ni Rev. Fr. Nezelle O. Lirio – Executive Secretary, CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang kahalagahan ng pagiging misyunero ng bawat isa bilang katuwang ng Simbahan sa misyon ng patuloy na pagbibigay halaga sa buhay at dignidad ng mga indibidwal na nakagawa ng pagkakasala sa buhay.

“Sa kabila po ng pagkakaiba-iba po natin at pagkakanya-kanya, nagkakaroon po tayo ng mutual support dahil mayroong love. Mayroon po tayong misyon ng pagmamahal at lalong-lalo na ang misyon na ito ay ang misyon po natin sa Diyos at ang misyon po natin sa mga kapatid natin na nasa mga bilangguan, yung mga PDLs na tinatawag po natin. At muli kagaya po ng sabi ni Pope Francis ‘Courage, Jesus is expecting great things from us’ at gawin po natin yung inaasahan po na ito ng ating Panginoon sa atin sa pamamagitan po ng pagmimisyon, ng pagmamahal.” Ayon kay Fr. Lirio.

Tema ng 36th Prison Awareness Week ngayong taon ang “The Correctional Community: Journeying Together in Mutual Support on a Mission of Love” na layuning paigtingin ang pagmimisyon para sa kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) kung saan ilang mga gawain ang inihanay ng prison ministry ng Simbahan ngayong ‘Linggo ng Kamulatan sa mga Bilanggo’ kabilang na ang pagbisita sa ilang mga bilanggo sa piitan.

Taong 1987 itinakda ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang huling Linggo sa buwan ng Oktubre bilang Prison Awareness Week o linggo upang alalahanin at bigyang pansin ang kapakanan at kalagayan ng mga bilanggo sa buong bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 2,871 total views

 2,871 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 28,232 total views

 28,232 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 38,860 total views

 38,860 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 59,848 total views

 59,848 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 78,553 total views

 78,553 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top