National director ng Tarcisians, itinalaga ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,621 total reads

Itinalaga ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula si Fr. Sanny De Claro bilang Spiritual Director ng Adoration Nocturna Filipina Regional Council of the Ecclesiastical Province of Manila at bilang National Director ng Tarcisians.

Ang pagtatalaga ay batay sa rekomendasyon ng National Council ng Adoration Nocturna Filipina, bilang pagkilala sa pastoral na sigasig at dedikasyon ng pari sa paglilingkod.

Kabilang sa tungkulin ni Fr. De Claro ang pangunguna sa espirituwal na paghubog ng mga miyembro at pagpapalalim ng debosyon sa Banal na Eukaristiya, gayundin ang pagpapatibay ng misyon ng Eucharistic adoration sa mga samahan.

Epektibo ang appointment kay Fr. De Claro noong May 1, 2026.

Ang Adoración Nocturna Filipina (ANF) ay isang samahan ng mga laykong Katoliko na nakatuon sa gabi-gabing pagdarasal at pagsamba sa Banal na Sakramento.

Nagsimula ang tradisyon na itinatag noong ika-19 na siglo sa Europa bilang tugon sa panawagan ng Simbahan para sa mas malalim na debosyon sa Eukaristiya.

Ito ang tugon ng mga Kristiyano sa malalim na inspirasyong pinakikinggan ng Panginoon ang sinumang nananalangin at nagtatanod sa banal na sakramento upang makabalik sa Roma si noo’y Pope Pius VII na binihag ni Napoleon Bonaparte sa France noong 1814.

October 10, 1920, pormal na naitatag ang ANF sa bansa sa St. Ignatius Church sa Intramuros, Manila, at mabilis na lumaganap sa iba’t ibang diyosesis bilang samahang nagtataguyod ng taimtim na panalangin, pagbabantay sa gabi, at pag-aalay ng sarili para sa Simbahan at lipunan.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 4,408 total reads

 4,408 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 15,213 total reads

 15,213 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 87,409 total reads

 87,409 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 173,910 total reads

 173,910 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 216,944 total reads

 216,944 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 266,004 total reads

 266,004 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top