Institutionalized climate budget, iginiit ng CCC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,166 total reads

Binigyang-diin ng Climate Change Commission ang kahalagahan ng institutionalized climate budget tagging upang mapalakas ang transparency, accountability, at evidence-based decision-making sa pagpapatupad ng climate action sa ginanap na ASEAN Climate Week Parallel Session on Climate Finance and Climate–Economy Modelling.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni CCC Vice Chairperson and Executive Director Robert E.A. Borje, na hindi lamang usaping pangkalikasan ang climate action kundi isa ring usaping pang-ekonomiya at pampinansyal na nangangailangan ng matibay na sistema sa paggabay ng public investments at development planning.

Binigyang-pansin din ni Borje ang Climate Change Expenditure Tagging o CCET ng Pilipinas bilang mahalagang mekanismo sa pagtukoy, pag-uuri, at pagsubaybay sa paggastos ng pamahalaan para sa mga programang may kaugnayan sa klima.

“At its core, CCET is about transparency and accountability. It allows our Government to clearly report how public funds are utilized for climate action not only for compliance under the Enhanced Transparency Framework and the Biennial Transparency Reports, but to ensure that spending leads to measurable outcomes,” pahayag ni Borje.

Iginiit din ng komisyon na mahalaga ang ugnayan ng mga ahensyang may kinalaman sa kalikasan, pananalapi, at development planning upang maging mahusay ang paggamit ng limitadong mga mapagkukunan para sa programang pangklima.

Inorganisa ang nasabing parallel session ng United Nations Development Programme katuwang ang Department of Environment and Natural Resources at Department of Finance bilang bahagi ng pagiging chair ng Pilipinas sa ASEAN ngayong 2026.

Tiniyak ng CCC na patuloy na makikipagtulungan ang Pilipinas sa mga bansang kasapi ng ASEAN upang higit pang mapalakas ang sistema ng climate finance at pagsusulong ng matatag at climate-resilient development sa rehiyon.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 4,348 total reads

 4,348 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 15,159 total reads

 15,159 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 87,355 total reads

 87,355 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 173,856 total reads

 173,856 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 216,890 total reads

 216,890 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 265,953 total reads

 265,953 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 193,432 total reads

 193,432 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top