Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Tagle na sariwain ang pagiging misyonero ni Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 712 total reads

Inaanyayahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na sariwain ang tungkulin at bokasyon na maging mga alagad na misyonero ni Hesus ngayong Oktubre, ang buwan ng misyon.

Inihayag ni Cardinal Tagle na ang buwan ng Oktubre o Missionary month ay paalala sa lahat na ang mga alagad ni Hesus ay isinugo rin para maging saksi ng kanyang mga aral, kamatayan at muling pagkabuhay.

Nanawagan ang Kardinal sa mga mananampalataya na makiisa at sumama sa pagdiriwang ng Pista ng Misyon sa ika-18 ng Oktubre sa Cuneta Astrodome, Pasay city.

“Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya at mga kapanalig, Oktubre na naman at para po sa atin, ang Oktubre ay buwan ng misyon. Missionary month. Ito po’y paalaala sa ating lahat na ang alagad ni Hesus ang kaibigan ni Hesus ay isinusugo rin ni Hesus para maging saksi ng Kan’yang mga aral ng Kan’yang kamatayan at muling pagkabuhay kaya sa puso ng bawat binyagan ay ang pagiging misyonero. Itong buong buwan ng Oktubre ay pagsasariwa ng ating tungkulin at bokasyon, maging mga alagad na misyonero ni Hesus at ng simbahan. At para ipagdiwang po ito magkita kita tayo sa Oktubre 18 Pista ng Misyon ito po ay magaganap sa Cuneta Astrodome mula alas otso ng umaga hanggang alas tres ng hapon halina po mag-register na kayo makipista sa diwa ng misyon”. paanyaya ni Cardinal Tagle

Tampok sa “Usapang Misyon” with Cardinal Tagle ang premyadong aktres na si Cherry Pie Picache at Young Christian power couple na sina Marian Gracia Rivera at Dingdong Dantes o Jose Sixto Raphael Dantes III.

Paglalagumin ng tatlong premyadong aktor at aktres ang “God’s Love and Mercy”.

Ibabahagi ni Cherry Pie ang mapait na karanasan ng pamilya para tanggapin at patawarin ang mga taong nagkasala sa kanila.

Isi-share naman ng mag-asawang Dantes ang kanilang “Young Christian tenets” sa matatag na pagsasama sa pamamagitan ng basbas ng Panginoon.

Ang tema ng Pista ng Misyon 2019 ay #My mission is…What is yours?

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 2,510 total reads

 2,510 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 42,100 total reads

 42,100 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 77,664 total reads

 77,664 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 303,934 total reads

 303,934 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 197,247 total reads

 197,247 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 35,267 total reads

 35,267 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 28,160 total reads

 28,160 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top