319 total views
Nagpaabot ng pasasalamat ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Family and Life sa lahat ng pagsusumikap ng iba’t ibang mga organisasyon, institusyon at mga diyosesis na naglunsad ng iba’t ibang mga gawain upang gunitain ang Amoris Laetitia Family Year at Year of St. Joseph ngayong taon.
Ayon kay Archdiocese of Lipa Archbishop Gilbert Garcera – Chairman ng kumisyon, ang naturang mga inisyatibo ay hindi lamang maituturing na pagtugon sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco na patatagin ang kasagraduhan ng pamilya kundi ganap na pagsasakatuparan sa pagiging katuwang ng Simbahan sa misyon nitong maipalaganap ang Salita ng Diyos.
“We commend all who are organizing conferences, seminars, and events on the national, regional, diocesan, parochial etc. levels to mark the Amoris Laetitia Family Year and the Year of Saint Joseph. Such initiatives not only attest to your pastoral zeal but also help incarnate the Holy Father’s vision of the Church as a ‘family of families’.” pahayag ni Garcera.
Ibinahagi naman ng Arsobispo ang ilang gawain na inihahanay ng kumisyon upang higit pang mapalalim ang paggunita ng Amoris Laetitia Family Year at Year of St. Joseph kasabay ng pagdiriwang sa Father’s Day ngayong buwan ng Hunyo, Grandparents and the Elderly sa buwan ng Hulyo at Migrant Families sa darating na Agosto.
“We are happy to inform you that the Episcopal Commission on Family and Life is offering conferences that can complement the regional and diocesan programs: “Fathers’ Day” in June, “Grandparents and the Elderly” in July, “Migrant Families” in August, etc.” Dagdag pa ni Bishop Garcera.
Kaugnay nito, inaanyayahan ng Arsobispo ang ang lahat para sa nakatakdang 3-araw na virtual Father’s Day tribute ng kumisyon na may titulong “Forming Fathers in the Image of Saint Joseph” mula ika-18 hanggang ika-20 ng Hunyo na naglalayong higit na maipakilala si San Jose bilang isang huwarang Asawa at katuwang ng Mahal na Maria sa pag-aaruga at paghuhubog kay Hesus bilang kanyang Ama sa daigdig.
Partikular ding tinukoy ni Archbishop Garcera ang inihahandang gawain ng kumisyon sa paggunita ng idineklarang World Day of Grandparents and the Elderly ni Pope Francis sa buwan ng Hulyo kung saan naghahanda ng isang virtual national conference of grandparents and the elderly ang kumisyon na nakatakda sa ika-22 hanggang ika-24 ng Hulyo.
Bukod dito, inihayag rin ng Arsobispo ang paghahanda ng kumisyon para sa paggunita ng Migrant Families sa buwan naman ng Agosto.