Military Bishop, may payo sa PNP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 555 total reads

Hindi dapat manaig ang emosyon sa halip ay pairalin ang pagiging makatwiran at makatarungan sa lahat ng pagkakataon.

Ito ang payo ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas kasunod ng panibagong kaso ng pamamaril ng isang pulis sa isang 52-taong gulang na ginang sa Barangay Greater Fairview, Quezon City noong ika-31 ng Mayo, 2021.

Ayon sa Obispo, bagamat hindi maiiwasan na magkaroon ng galit o sama ng loob laban sa kapwa ay hindi naman dapat na hayaang manaig ang negatibong emosyon.

“Gusto kong sabihin lang sa mga pulis na huwag naman nating, alam ko mayroon tayong mga problema minsan hindi po natin mawawala yan dahil mga tao lamang tayo, ngunit huwag naman natin [ilabas] kung ano ang galit, kung ano ang sama ng loob because we are people who have also reasons, yun mga what is reasonable yun ang dapat guiding principle natin something that is reasonable hindi yung kung nanggagaling sa emosyon natin.”pahayag ni Bishop Florencio sa panayam sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Bishop Florencio na hindi dapat magpadala sa negatibong emosyon ang bawat isa sapagkat hindi na muling maitatama pa ang maling magawa.

Giit ng Obispo, hindi na muling maibabalik pa ang anumang masisira o buhay na mawawala dahil sa pagpapadala sa labis na emosyong nadarama.

“Siguro kung talagang nandoon ang galit, nandoon ang sama ng loob ay huwag lang kumilos kung ano pa man kasi minsan nadadala tayo sa ating emosyon so yun [karahasan] ang nangyayari, so that is irreversible kasi kung merong namamatay hindi mo naman mabubuhay yun, so yun ang payo ko sa inyo mga kapatid na mga kapulisan.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Pagbabahagi pa ni Bishop Florencio, dapat na tuwinang isaisip ng bawat kawani ng pwersa ng pamahalaan ang kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay na maaring maapektuhan ng mga maling desisyon at pagpapadala sa emosyon na maaring mauwi sa karahasan.

Tiniyak naman ng Obispo ang pananalangin para sa paggabay ng Panginoon sa may higit 190,000 mga pulis sa buong bansa.

“At the end of the day may pamilya din kayo, at the end of the day may mga anak din kayo, at the end of the day may asawa so kung titingnan po natin ay talagang mahirap yan, nasira mo na ang pamilya mo, nasira na ang career mo, mayroon ka pang napatay, ganun ang tingnan natin. So anyway I’ll be praying for you also as part of my duty as PNP and AFP Military Ordinariate.” Pagtiyak ni Bishop Florencio.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,067 total reads

 11,067 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 12,376 total reads

 12,376 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 26,125 total reads

 26,125 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 63,503 total reads

 63,503 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 94,773 total reads

 94,773 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 170,326 total reads

 170,326 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 263,291 total reads

 263,291 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,439 total reads

 25,439 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top