Resulta ng Veritas Truth Survey, hamon sa Simbahang Katolika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 641 total reads

Ikinatuwa ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pag-aaral na marami sa mananampalatayang Filipino ang naniniwalang si Hesus ang nasa Banal na Eukaristiya.

Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP – Epsicopal Commission on the Laity patunay ito na isinasapuso ng mananampalataya ang pagtanggap sa Katawan at Dugo ni Kristo sa Banal na Misa.

“Maganda yung resulta ng survey na 97-percent sa mga Filipino Catholics ang naniniwala sa Real Presence, na talagang si Hesus ang nasa Blessed Sacrament,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Ito ang tugon ng obispo sa isinagawang Veritas Truth Survey kung saan lumabas na mayorya sa mga Filipinong Katoliko ang naniniwala kay Hesus sa Eukaristiya.

Sa turo ng Simbahan sa pamamagitan ng ‘transubstantiation,’ nagiging tunay na Katawan at Dugo ni Kristo ang alak at tinapay.

Subalit ayon kay Bishop Pabillo, malaking hamon din sa Simbahan na abutin ang nalalabing tatlong porsyento na hindi naniniwala sa Presensya ni Kristo sa Eukaristiya.

“Challenge sa Simbahan paano abutin ang 3-percent na siguro nagsisimba pero hindi naniniwala na si Hesus talaga ang kanilang tinatanggap,” ani Bishop Pabillo.

Inihalimbawa ng opisyal ang pananatiling pagsimba ng mga tao sa online masses dahil na rin sa mga restrictions bunsod ng pandemya.

Sinabi nitong bagamat natatanggap si Hesus sa spiritual communion, nararapat ding tandaan na dumating si Hesus sacramentally at materially sa pamamagitan ng Banal na Sakramento.

Dahil dito hamon ni Bishop Pabillo sa mananampalataya na pagsumikapang dumalo sa mga Misa sa simbahan lalo ngayong pinahintulutan ng pamahalaan ang 50 porsyentong kapasidad.

Kung may pag-alinlangan na magsimba tuwing araw ng Linggo, maaaring dumalo ng mga Misa sa ordinaryong araw upang hindi siksikan sa mga simbahan.

Partikular na inaanyahan ni Bishop Pabillo ang bawat isa na dumalo sa Banal na Misa at tumanggap ng Komunyon sa Linggom Hunyo 6, 2021 sapagkat ipagdiriwang ang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ni Kristo.

“Ngayong Linggo, Corpus Christi, sana pahalagahan natin ang presensya ni Hesus sa Blessed Sacrament, we have to risk to go to the church to receive Communion,” giit ni Bishop Pabillo.

Kasabay nito ang mahigpit na paalalang sundin ang safety health protocol na ipinatupad ng Inter Agency Task Force upang maiwasan ang pagkahawa sa virus.

Isinagawa ang VTS survey sa pagitan ng April 25 hanggang May 25, 2021 gamit ang stratified sample ng 1, 200 respondents sa buong bansa na may +/- 3% margin of error at gamit ang text-based at online data gathering.

Batay sa pag-aaral dalawang porsyento sa mga respondents ang naniniwalang simbolo lamang ang alak at tinapay habang isang porsyento ang hindi tiyak sa kanilang sagot.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 12,561 total reads

 12,561 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 13,760 total reads

 13,760 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 28,477 total reads

 28,477 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 65,854 total reads

 65,854 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 97,124 total reads

 97,124 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 172,536 total reads

 172,536 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 265,389 total reads

 265,389 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 12,563 total reads

 12,563 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top