Diocese of Borongan at DepEd, lumagda sa Project SARIG

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,010 total reads

Naniniwala si Borongan Bishop Crispin Varquez na malaking hakbang ang pagtutulungan ng Simbahang Katolika at Department of Education (DepEd) sa pagtugon sa mga suliraning kinakaharap ng mga paaralan, lalo na sa paghubog ng asal at pagpapahalaga ng mga mag-aaral.

Ito ang mensahe ng obispo kaugnay ng paglagda sa Memorandum of Agreement para sa Project SARIG.

“This church partnership with DEPED will help solve our problems in the schools this time,” pahayag ni Bishop Varquez sa Radyo Veritas.

Nilagdaan noong August 25 sa Borongan City, Eastern Samar ang kasunduan sa pagitan ng DepEd Schools Division of Eastern Samar, na kinakatawan ni Schools Division Superintendent Dr. Gorgonio G. Diaz Jr., at ng Diocese of Borongan sa pangunguna ni Bishop Varquez.

Sa ilalim ng Project SARIG o Strengthening Maka-Diyos and Maka-Tao Core Values Through Voluntary Catechism Sessions for Holistic Learner Wellness, magsasagawa ng boluntaryong pagtuturo ng katesismo sa mga kalahok na pampublikong paaralan upang patatagin ang Maka-Diyos at Maka-Tao na pagpapahalaga ng mga mag-aaral.

Binigyang-diin ng obispo na mahalagang pagtibayin ang Good Manners and Right Conduct o GMRC at ang values formation sa loob ng paaralan.

“GMRC and the formation of values in our students are very important. The presence of religious men and women, as well as our catechists, in schools has a significant impact on our students,” giit ni Bishop Varquez.

Sinabi ni Bishop Varquez na ito ay isa sa mga hakbang upang tugunan ang mga suliraning kinakaharap at kinasasangkutan ng mga kabataan, tulad ng mga karahasang nangyayari sa loob ng mga institusyong pang-edukasyon.

Layunin ng programa na suportahan ang espirituwal, moral at social wellness na kapakanan ng mga mag-aaral, palakasin ang kakayahan ng mga guro at katekista sa values integration, at magtatag ng sistema ng monitoring at evaluation.
Tiniyak ng MOA na ang mga sesyon ay boluntaryo at isasagawa sa labas ng oras ng klase.

Magtatalaga ang diyosesis ng mga katekista, habang pangangasiwaan naman ng DepEd ang pagpili ng mga kalahok na paaralan, pagsubaybay sa pagpapatupad at pagsunod sa mga patakaran sa child protection.

Magiging epektibo ang kasunduan sa loob ng tatlong taon at maaaring i-renew sa pamamagitan ng kasunduan ng dalawang panig.

Dumalo rin sa MOA signing sina ASDS Raymund Capacite at SGOD Chief Dr. Marixel Evardone ng DepEd Eastern Samar habang kasama naman ni Bishop Varquez sa panig ng simbahan si Fr. Michael Kay Rebamontan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 95,562 total reads

 95,562 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 153,723 total reads

 153,723 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 290,234 total reads

 290,234 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 405,208 total reads

 405,208 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top