Mananampalataya, inaanyayahan sa Philippine Pilgrimage to Guadalupe, Mexico

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 428 total views

Inaanyayahan ng Association of Catholic Shrines and Pilgrimages of the Philippines (ACSP), sa pahintulot ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang mga dambana, parokya, at pamayanang nakatalaga sa Mahal na Birhen ng Guadalupe, gayundin ang mga deboto ng Mahal na Birheng Maria sa bansa, na makiisa sa isasagawang pilgrimage bilang pakikiisa sa Novena Intercontinental Guadalupana 2023–2031.

Inilunsad ng grupo ang “La Guadalupana: A CBCP-ACSP Philippine Pilgrimage to Guadalupe and Notable Mexican Shrines” na isasagawa mula November 15 hanggang 24, 2026 sa Mexico.

Bahagi ito ng pakikibahagi ng CBCP sa pakikipagtulungan sa Conferencia del Episcopado Mexicano (CEM) para sa pagdiriwang ng ika-500 anibersaryo ng mga aparisyon ng Mahal na Birhen ng Guadalupe sa 2031.

Ayon sa ACSP, layunin ng pilgrimage na higit pang patatagin ang pananampalataya ng mga deboto at palalimin ang ugnayan ng mga Simbahan sa Pilipinas at ng Simbahan ng Mexico sa ilalim ng debosyon sa Birhen ng Guadalupe.

Kabilang sa mga nakatakdang gawain sa nasabing pilgrimage ang opisyal na pagdalaw at banal na misa ng delegasyon ng mga simbahan ng Our Lady of Guadalupe sa Basílica Nacional de Santa María de Guadalupe sa November 16, 2026.

Isasagawa rin ang pilgrimage at cultural exposure sa mahahalagang dambana sa Mexico mula November 17 hanggang 23.

Samantala, tampok din ang banal na misa bilang paggunita sa ika-400 anibersaryo ng paglalayag ng imahe ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje o Virgen de Antipolo, na gaganapin sa Catedral de Nuestra Señora de la Soledad sa Acapulco, Mexico sa November 20, 2026.

Pamumunuan ang nasabing pilgrimage ni Fr. Reynante Tolentino, ang kasalukuyang pangulo ng ACSP.

Sa mga nagnanais na makibahagi sa pilgrimage ay maaaring makipag-ugnayan kay Anna Lissa Ayo, chairperson ng ACSP Committee for Pilgrimages, sa pamamagitan ng mga numerong 0917-551-4468 at 0999-990-8108 o sa email na [[email protected]](mailto:[email protected]).

Patuloy naman ang panawagan ng ACSP sa mga mananampalataya na samantalahin ang pagkakataong ito upang higit na mapalalim ang debosyon sa Mahal na Birhen ng Guadalupe at makiisa sa pandaigdigang paghahanda para sa makasaysayang anibersaryo ng kanyang pagpapakita.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 160,404 total views

 160,404 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 138,037 total views

 138,037 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 202,165 total views

 202,165 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 222,476 total views

 222,476 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Lights! Camera! Action?

 143,304 total views

 143,304 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top