Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, inaanyayahan sa World Day of the Sick mass

SHARE THE TRUTH

 160 total views

Inanyayahan ni Father Dan Cancino, MI, Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Health Care ang mga mananampalataya lalo na ang mga may karamdaman na dumalo sa banal na misa para sa World day of the sick ngayong araw ika-11 ng Pebrero.

Ayon sa Pari, isa itong pambihirang pagkakataon dahil kasabay ng pagdiriwang ay naririto din sa Pilipinas ang Heart Relic ni St. Camillus de Lellis, ang patron ng mga maysakit, mga ospital at mga manggagamot.

Naniniwala ang pari, na sa pamamagitan ng panalangin at pananalig ay mapagkakalooban ng kagalingan ang mga mananampalatayang lumalapit sa Panginoon, sa pamamagitan ni St. Camillus.

Hinimok din nito ang mga mananampalataya, na ipagdasal ang mga dumaraan sa pagsubok ng karamdaman, upang maibsan ang dinaranas nilang sakit at tuluyan nang gumaling.

“Ngayon pong araw na ito ay ipinagdiriwang natin ang World Day of the Sick ang pandaigdigang araw ng mga may karamdaman o may sakit, bigyan po natin sila ng importansya pansinin natin ang kalagayan ng ating mga kapatid na may karamdaman at nawa ipagdiwang natin ito ipagdasal natin sila pumunta po tayo sa ating mga parokya.” paanyaya ni Father Cancino.

Samantala, inanyayahan din ng Pari ang mga mananampalataya na bisitahin ang incorrupt heart ni St. Camillus na bibisita ngayong araw sa Immaculate Concepcion Cathedral ng Diocese of Cubao.

“Inaanyayahan ang lahat ng ating mga kapanalig na dumalo sa Immaculate Concepcion Cathedral ng Diyosesis ng Cubao. Ating ipagdiwang ang World Day of the Sick at tayo po ay mayroong misa ng alas gis ng umaga at alas singko ng hapon. Dadalaw din ngayong araw na ito ang patron ng mga maysakit si San Camillus de Lellis, nandirito po sa bansa ang kanyang incorrupt heart relic.” Dagdag pa ng Pari

Magkakaroon ng banal na misa para sa mga maysakit sa ganap na alas gis ng umaga at susundan ito ng vigil at veneration hanggang sa ika-10 ng gabi, at alas syete naman ng umaga, ika-12 ng Pebrero ay ibabalik na ang heart relic ni St. Camillus sa St. Camillus Provincialate, Loyola Heights Quezon City.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 28,405 total views

 28,405 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 37,073 total views

 37,073 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 45,253 total views

 45,253 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 40,945 total views

 40,945 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 52,995 total views

 52,995 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 89,835 total views

 89,835 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Vatican Decree in time of Covid-19 (II)

 74,875 total views

 74,875 total views DECREE In time of Covid-19(II) Considering the rapidly evolving situation of the Covid-19 pandemic and taking into account observations which have come from

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top