Mananampalataya, pakikinggan ng mga lider ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 739 total views

Tiniyak ng mga lider ng simbahan sa Pilipinas ang pakikinig sa mananampalataya lalo na ang maliliit na sektor na kadalasang naisasantabi ng lipunan.

Naniniwala si Archdiocese of Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na sa pamamagitan ng pakikinig ay maibahagi sa pamayanan ng misyon ng Panginoon.

“Let us create opportunities for listening and dialogue on the local level through this Synod. Pope Francis is calling the Church to rediscover its deeply synodal nature. This rediscovery of the synodal roots of the Church will involve a process of humbly learning together how God is calling us to be as the Church in the third millenium,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Advincula.

Sa kasaysayan hindi na bago sa arkidiyosesis ang local synod lalo’t noong 1582 ginawa ang Synod of Manila sa pangunguna ng Dominikanong si Fray Domingo de Salazar, ang unang talagang obispo ng Manila kung saan pinagtuunan ng pansin ang ebanghelisasyon at paninindigan sa karapatang pantao.

Habang 1991 naman ng ginanap ang Second Plenary Council of the Philippines na sinundan pa ng mga kahalintulad na gawain.

Samantala, ayon naman kay Zamboanga Apostolic Administrator Bishop Moises Cuevas ang kahandaan at pagiging bukas ng mamamayan ang tunay na daan tungo sa matagumpay ng paglalakbay ng simbahan.

Sinabi ng obispo na ang pakikipagdiyalogo ng mamamayan ang susi sa maunlad at mapayapang lipunan na may paggalang sa bawat isa.

“The best ability to Synodality is availability. Everyone must be available to collaborate, to be open, to listen and to cooperate. It’s availability in dialogue,” ani Bishop Cuevas.

Saad naman ni Catarman Bishop Emmanuel Trance na ang pre-synodal process ay simula ng pagkakaisa ng mga munting pamayanan at pagkakataong mapakinggan ang kanilang hinaing upang maipaabot sa Santo Papa.

“This synod will become the encounter and beginning of unifying our local church and we should listen not only in our ears but also in our hearts, listening in this synodal process is to listen to the marginalized even to the non-Christian community,” giit ni Bishop Trance.

Tulad ng ibang mga diyosesis hindi na bago sa Catarman ang pagtitipon sapagkat 1996 nang ginanap ang kauna-unahang Pastoral Assembly na isinulong ni Bishop Angel Hobayan na sinundan noong 2005 sa unang taong panunungkulan ni Bishop Trance.

Umaasa ang mga punong pastol ng simbahan sa Pilipinas sa kooperasyon ng mananampalataya upang makapagbalangkas ng mga hakbang na isusumite sa Vatican sa Abril 2022 bilang paghahanda sa ika – 16 na Synod of Bishops sa October 2023 na may temang ‘For a Synodal Church: communion, participation and mission.’

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 42,522 total views

 42,522 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 86,130 total views

 86,130 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 169,806 total views

 169,806 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 183,803 total views

 183,803 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top