Mandatory drug testing, kailangang may kaakibat na safeguards

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 592 total reads

Tiyakin ng gobyerno ang pagkakaroon ng safeguards sa planong pagpapatupad ng drug testing sa mga mag-aaral upang mapangalagaan ang kanilang karapatan.

Ito ang hamon ni Bro. Gerry Bernabe, Vice President ng Philippines Action for Youth Offenders sa mga otoridad sa planong drug testing sa mga mag-aaral.

Iginiit ni Bernabe na kailangang mayroong naaangkop na mga panuntunan ang magpapatupad ng drug testing upang hindi maabuso ang anumang karapatan ng mga kabataan na maaring hindi pa ganap na maintindihan ang layunin ng naturang hakbang.

“Lalo na kung ang pulis ang mag-iimplement niyan kailangan talaga magkaroon ng effective safeguards para huwag maabuso siguro kung ang mismong mga teachers at yung mga school administrations ang magsasagawa ng ganyang policy puwede pa siguro pero kailangan talaga merong mga effective safeguards na ilagay para huwag maabuso.” pahayag ni Bernabe sa panayam sa Radyo Veritas.

Inihayag ni Bernabe na kung hindi mapangasiwaan ng maayos ang panukala at maabuso ang karapatan ng mga kabataang mag-aaral ay isa na naman itong manipestasyon ng punitive mentality ng pamahalaaan at hindi rehabilitasyon ng mga nagkasala.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA), layunin ng panukalang Mandatory Drug Testing ang mapigilan ang paglaganap ng ipinagbabawal na gamot sa mga kabataang mag-aaral mula sa mahigit 40,000 paaralan sa buong bansa.

Naunang nagpahayag ng pagsang-ayon ang CBCP Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa naturang panukala upang mapigilan ang mga kabataan na masangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Read: Mandatory Drug test sa 10-taong gulang na Bata, Sinang-ayunan ng CBCP

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 83,167 total reads

 83,167 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 130,478 total reads

 130,478 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 178,349 total reads

 178,349 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 282,297 total reads

 282,297 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 364,582 total reads

 364,582 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top