Manggagawa, hindi pa ganap na malaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,328 total views

Iginiit ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER na nananatiling mailap para sa milyun-milyong manggagawang Pilipino ang tunay na kalayaan dahil sa patuloy na epekto ng mga patakarang nakatuon sa tubo ng malalaking negosyo.

Ayon kay EILER Executive Director Rochelle Porras, patuloy na nangingibabaw ang interes ng malalaking kompanya at dayuhang pamumuhunan kaysa sa kapakanan ng mga manggagawa sa ilang umiiral na patakarang pang-ekonomiya.

Binigyang-diin ng grupo ang Wage Rationalization Act, Value-Added Tax o VAT sa batayang produkto at serbisyo, privatization, flexibilization ng paggawa, at iba pang polisiya na sinasabi nilang nagpapabigat sa kalagayan ng mga manggagawa.

Ayon kay Porras, ang mga ito ay patunay ng pag-una sa tubo kaysa sa karapatan ng mga manggagawa.

Aniya, “Ang pagpapatuloy ng Wage Rationalization Act, Value-Added Tax sa mga batayang serbisyo at produkto, pribatisasyon, flexibility ng paggawa, at iba pang anti-mamamayang polisiya ay malinaw na pagprayoritisa sa interes ng tubo ng malalaking negosyo kaysa sa kapakanan ng mga manggagawa.”

Sa kabila ng sinasabing paglago ng ekonomiya dahil sa dayuhang pamumuhunan at pangungutang, sinabi ng EILER na nananatiling mababa ang sahod ng maraming manggagawa, laganap ang kontraktwalisasyon, at nananatili ang mga hamon sa karapatan sa pag-oorganisa at pagbubuo ng unyon.

Naniniwala ang grupo na makakamit lamang ang tunay na kalayaan sa pamamagitan ng pambansang industriyalisasyon, tunay na repormang agraryo, nakabubuhay na sahod, seguridad sa trabaho, at mas demokratikong pamamahala sa ekonomiya at likas na yaman ng bansa.

Giit pa ni Porras, “Ang tunay na kalayaan ay kalayaan mula sa mga polisiyang neoliberal na pumapabor lamang sa tubo, monopolyo, at dayuhang interes.”

Dagdag pa niya, patuloy na ipinapaalala ng Araw ng Kalayaan ang nagpapatuloy na pakikibaka ng mga manggagawa para sa karapatan, pambansang patrimonya, at makataong pag-unlad.

Mensahe ito ng EILER sa paggunita ng Araw ng Kalayaan kung saan muling nanawagan ang grupo ng mas malalim na reporma sa ekonomiya at paggawa para sa mas maayos na kalagayan ng mga manggagawang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 15,262 total views

 15,262 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 48,344 total views

 48,344 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 76,695 total views

 76,695 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 144,425 total views

 144,425 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 166,381 total views

 166,381 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top