Obispo ng Palawan, umalma sa pagputol ng mga puno dahil sa minahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,989 total reads

Nanawagan si Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, MSP sa pamahalaan na muling suriin ang mga permit sa pagputol ng mga puno kaugnay ng mga proyektong pagmimina sa Palawan, upang mapangalagaan ang kalikasan at kapakanan ng susunod na henerasyon.

Sa inilabas na pastoral letter, nagpahayag ng pagkabahala ang obispo sa lawak ng pinsalang maaaring idulot ng pagmimina sa lalawigan, lalo na sa mga kagubatan at likas na yaman ng Palawan.

Ayon kay Bishop Mesiona, batay sa mga pampublikong dokumento at pinagsamang talaan, hindi bababa sa 218,854 na punongkahoy ang saklaw ng mga Special Tree Cutting and Earth-Balling Permits (STCEP) na inaprubahan para sa mga proyekto ng pagmimina sa mga lugar tulad ng Aborlan, Brooke’s Point, Bataraza at ilang bahaging konektado sa Mt. Bulanjao.

“Nakapagtataka na ang mga ahensiyang inaasahang mangangalaga sa kalikasan ay inaakalang mahigpit sa pagpapatupad ng batas sa karaniwang mamamayan, ngunit tila maluwag at mapagbigay sa malalaking kompanya ng pagmimina at mga makapangyarihang tao. Nagbibigay ito ng impresyon sa ilan na may dalawang uri ng batas sa ating bansa: isa para sa mayayaman at makapangyarihan, at isa para sa mahihirap,” ayon kay Bishop Mesiona.

Binigyang-diin ng obispo na ang pagputol ng mga puno ay hindi lamang usaping pangkapaligiran kundi isang moral na pananagutan sa Diyos, sa kapwa, at sa mga susunod na salinlahi.

Dagdag pa ni Bishop Mesiona, aabutin ng maraming taon bago lumaki ang isang puno kaya’t nakalulungkot isipin na ang libu-libong punong tumubo sa loob ng mga dekada at maging mga siglo ay maaaring maputol sa napakaikling panahon.

Ipinaalala rin ng obispo ang turo ni Pope Francis sa ensiklikal na Laudato Si’ na ang pangangalaga sa kapaligiran ay mahalagang bahagi ng tunay na pag-unlad ng tao at lipunan.

“Kung makapagsasalita lamang ang mga punong ito, marahil ay magsusumamo silang pakinggan natin ang kanilang tahimik na panawagan,” saad ni Bishop Mesiona.

Nanawagan ang obispo sa mga ahensya ng pamahalaan na suriin ang mga permit sa pagputol ng puno, isapubliko ang lahat ng kaugnay na dokumento, alamin kung ang mga ito ay umaayon sa umiiral na mining moratorium sa Palawan, at magsagawa ng mga reporma upang higit na mapalakas ang proteksyon sa mga kagubatan.

Iginiit ni Bishop Mesiona na ang Palawan ay hindi lamang sagisag ng kagandahan kundi isang kaloob ng Diyos na dapat pangalagaan ng bawat mamamayan, upang matiyak na maipapamana sa susunod na henerasyon ang isang buhay at maayos na kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 57,894 total reads

 57,894 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 144,390 total reads

 144,390 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 187,427 total reads

 187,427 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 237,186 total reads

 237,186 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 395,624 total reads

 395,624 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 192,088 total reads

 192,088 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top