PBBM, ipinatawag ang ‘special session’ ng Kongreso para sa mga pangunahing panukalang batas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,394 total views

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Kongreso na magsagawa ng espesyal na sesyon sa June 17, upang pabilisin ang pagpasa ng mga panukalang batas na magpapalakas sa social protection programs ng pamahalaan at magbibigay ng dagdag na suporta sa mga Pilipinong apektado ng mga kalamidad at hamon sa enerhiya.

Sa ilalim ng Proclamation No. 1318, ipinag-utos ng Pangulo ang agarang pagtalakay sa mga priority measure na nasa advanced stage na ng legislative process ngunit hindi pa tuluyang naipapasa.

Ayon kay Pangulong Marcos, kinakailangan ang agarang aksyon upang matugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng malakas na lindol sa Mindanao, mga estudyanteng nangangailangan ng tulong sa pag-aaral, mga senior citizen na nangangailangan ng mas maayos na serbisyong pangkalusugan, at mga batang dapat mabigyan ng sapat na nutrisyon.

Binigyang-diin ng Pangulo na hindi humihinto ang pangangailangan ng mamamayan kahit nakabakasyon ang Kongreso.

“The needs of the Filipino people do not pause when Congress is not in session. The government must continue to respond, and the welfare of every Filipino must remain our highest priority,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Kabilang sa mga panukalang nais maisulong ng administrasyon ang pagtatatag ng National Center for Geriatric Health, pagpapalawak ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education o GASTPE, Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS Act, at mga amyenda sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Kasama rin sa prayoridad ang pagpapatibay ng Last Mile and Geographically Isolated and Disadvantaged Areas Schools Act, pagpapalakas ng school feeding program sa ilalim ng Masustansyang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act, Anti-Political Dynasty Law, at Presidential Merit Scholarship Program.

Magbibigay-daan din ang espesyal na sesyon para sa Commission on Appointments na aksyunan ang mga nakabinbing appointment sa gabinete, militar, at foreign service upang matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon ng pamahalaan.

Umaasa naman ang administrasyon na isasantabi ng mga mambabatas ang pulitika at tututok sa pagpasa ng mga batas na maghahatid ng agarang tulong at benepisyo sa mga Pilipino.

Ang Special Session ng Kongreso, ay isang natatanging pagpupulong ng Senado at Kamara na ipinapatawag ng Pangulo upang agarang talakayin at aksyunan ang mahahalagang usapin kahit naka-recess ang Kongreso.

Layunin nitong pabilisin ang pagpasa ng mga prayoridad na panukalang batas at aksyunan ang iba pang mahahalagang usapin ng pamahalaan.

Sa ilalim ng Article VI, Section 15 ng 1987 Constitution, may kapangyarihan ang Pangulo na tawagin ang Kongreso sa special session anumang oras upang talakayin ang mga mahahalagang usapin o panukalang batas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 17,142 total views

 17,142 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 50,224 total views

 50,224 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 78,575 total views

 78,575 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 146,305 total views

 146,305 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 168,111 total views

 168,111 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top