Walong bagong pari, oordinahan sa Malolos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,888 total reads

Ibinahagi ng Diocese of Malolos ang ordinasyon ng walong diyakono na tatanggap ng Sakramento ng Banal na Orden bilang mga bagong pari.

Pangungunahan ni Bishop Dennis Villarojo ang pagdiriwang sa June 16, alas-9 ng umaga sa Minor Basilica and Cathedral of the Immaculate Conception sa Malolos City.

Ayon sa diyosesis, ang ordinasyon ay tanda ng pagtatapos ng mahabang taon ng paghuhubog sa aspetong makatao, espirituwal, intelektuwal at pastoral ng mga kandidato sa Immaculate Conception Major Seminary.

Sa inilabas na pahayag, binigyang-diin ng diyosesis ang malalim na kahulugan ng pagtanggap ng mga diyakono sa ministeryo ng pagkapari.

“Sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay at Panalangin ng Ordenasyon, sila ay higit na mahuhubog ayon kay Kristo na Walang Hanggang Dakilang Pari at pagkakatiwalaan sa banal na tungkulin ng pagpapahayag ng Ebanghelyo, pagdiriwang ng mga sakramento, at paggabay sa Sambayanan ng Diyos,” ayon sa diyosesis.

Tatanggap ng ordinasyon sina Rev. Kelvin Yonell Cruz Alejandro, Rev. Wyntelmou Michiko Gabat Avila, Rev. Ariz Vargas De Castro, Rev. Mark Joseph Santos Lorenzo, Rev. Joshua Alfaro Reyes, Rev. RR Antoni Camorungan Reyes, Rev. Samuel Nicole Carpio Reyes, at Rev. Kristian Lum Talentino.

Inanyayahan ng diyosesis ang mga pari, relihiyoso at relihiyosa, seminarista, pamilya ng mga ordinando, at mga layko na makibahagi sa makasaysayang pagdiriwang at ipanalangin ang mga bagong pari habang sinisimulan nila ang kanilang ministeryo para sa Simbahan.

Ang ordinasyon ng walong bagong pari ay inaasahang magpapalakas sa misyon ng lokal na Simbahan sa Bulacan sa patuloy na pagpapalaganap ng Ebanghelyo at sa paglilingkod sa sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 59,343 total reads

 59,343 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 145,839 total reads

 145,839 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 188,876 total reads

 188,876 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 238,635 total reads

 238,635 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 396,966 total reads

 396,966 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top