9,658 total views
Kinilala at pinasalamatan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mangingisda at mandaragat sa kanilang patuloy na pagseserbisyo para sa bayan.
Ito ang buod ng pagninilay ng Obispo na siya ring Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Bishop Promoter ng Stella Maris – Philippines sa misang pinangunahan para sa ikalawang araw ng idinadaos na International Maritime Pastoral Training sa Taiwan.
Ayon sa Obispo, nawa ay patuloy na alalahanin ng mamamayan ang katagang ‘No Shipping, No Shopping’ kung saan ini-aalalay ng mga mandaragat ang kanilang panahon upang makapaghatid ng ibat-ibang produkto sa mga bansa.
Kasabay ito ng pasasalamat ng Obispo sa mga mangingisda dahil sa pamamagitan nila ay nadagdagan ang suplay ng pagkain ng mga Pilipino at naiiwasan ang labis na kagutuman.
“So there are not numbers, they are not labels, they are not commodities nor tools for profit, they are people, they are God’s creature with special skills and talents and God’s Cooperators for life, that is to sustain and support’s life especially of the family and all of their country,” ayon sa mensahe Bishop Santos.
Mensahe naman ng Obispo para sa mga seafarers at mangingisda na gawing ehemplo ang Mahal na Birheng Maria sa anumang pagkakataon ng kanilang mga trabaho.
Inihayag ng Obispo na katulad ni Maria ay i-alay din ng mga mandaragat ang kanilang pananamapalataya, panahon at pagtitiwala sa Panginoon.
“Mary gave her unconditional yes to God, Without conditions, without questions she submitted her will to God’s Grace, as consecrated persons we are ordained and proffessed for God’s services, we are sent for God’s people, responding to God’s Response” ayon pa sa pagninilay ni Bishop Santos.
Sa datos ng Statista, aabot na sa 578-thousand ang bilang ng mga Filipino Seafarers na naglalayag sa ibat-ibang bahagi ng mundo.