Manindigan sa safeguarding ng Constitution

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 282 total views

Ang pagbabantay o safe guarding ng Konstitusyon ay kinakailangan pagtulungan ng bawat mamamayan.

Ito ang apela ni Rev. Fr. Eduardo Apungan – Vice Chairman ng Association of Major Religious Superior in the Philippines (AMRSP) kaugnay sa mga pag-atakeng nagaganap laban sa Saligang Batas.

Ayon sa Pari, bahagi ng pagbabantay ng bawat isa sa Konstitusyon ang pagiging mulat sa mga kasalukuyang usaping panlipunan sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga diskurso at paninindigan sa kung ano ang nilalaman ng Saligang Batas.

“Safeguarding kasi ng constitution natin is bahagi nito ay kamulatan at pakikiisa, siguro sa sitwasyon sa ngayon na kung saan alam naman ng lahat na siguro sabihin nalang natin kung ano man ang term natin but it’s very clear na there are also attack to the constitution, kaya sa safe guarding ng constitution ay kailangan nating manindigan…” pahayag ni Fr. Apungan sa panayam sa Radyo Veritas.

Nauna ng nagpahayag ng pagsang-ayon ang AMRSP sa tinukoy ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na “Crisis of Truth” na kinakaharap ng bansa kung saan mahirap na matukoy sa kasalukuyang panahon ang mga totoong balita mula sa mga huwad at mga pekeng impormasyon o fake news.

Tinukoy ng Kardinal ang magkakasalungat na interpretasyon ng mga eksperto sa Saligang Batas na nagbubunga ng kaguluhan sa lipunan partikular na ang naging desisyon ng Korte Suprema patungkol sa Quo Warranto na hindi dapat maging paraan sa pagpapaalis ng isang impeachable official.

Nasasaad sa Article 11 ng 1987 Constitution na Kapanagutan ng mga Pinunong Bayan o Accountability of Public Officers na maari lamang mapatalsik ang mga miyembro ng Supreme Court at iba pang mga impeachable officials sa pamamagitan ng Impeachment na magsisimula sa Mababang Kapulungan ng kongreso at aakyat sa Senado.

Matapos ang Martial Law noong 1987 ay mas pinagtibay ng mga eksperto sa Saligang Batas ang Pambansang Konstitusyon ng Pilipinas upang tiyakin na hindi na muling maaabuso at malalabag ng pamahalaan at mga ahensya ng gobyerno ang karapatang pantao ng bawat Filipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 83,215 total views

 83,215 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 83,215 total views

 83,215 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 83,215 total views

 83,215 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 80,740 total views

 80,740 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 73,726 total views

 73,726 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top