Marahas na dispersal ng mga raliyista sa US embassy, kinondena ng DILG

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 423 total views

Mariing kinokondena ng Department of Interior and Local Government ang hindi makataong dispersal na ginawa ng Philippine National Police sa mga miyembro ng National Lakbayan of Moro and Indigenous Peoples sa harap ng US Embassy.

Kaugnay nito, nanawagan si DILG Sec. Ismael Sueno ng malinis at patas na imbestigasyon sa ginawang pananagasa ni Police Officer 3 Franklin Kho sa mga katutubong raliyista habang sinusubukan ng mga ito na lumapit sa embahada.

“We call for thoroughness and transparency in the PNP’s probe of the events, and we condemn to the highest degree any violation of public safety, of the rights of the protesters,” pahayag ni Sec. Sueno.

Ayon pa sa kalihim, nakababahala ang ipinakikitang karahasan na ginawa ng mga pulis sa mga video na kumakalat sa social media.

Dagdag pa niya hindi naipatupad ng mga pulis na nakatalaga sa rally ang maximum tolerance at nagdulot ito ng panganib sa buhay ng mga indibidwal.

“In the event that maximum tolerance was not observed and that there was endangerment of human life, the police are to be held fully accountable,” dagdag pa ng kalihim.

Dahil dito, inihayag ni Sec. Sueno na sinusuportahan niya ang ginawang hakbang ni PNP Chief Ronald Dela Rosa matapos nitong isailalim sa restrictive custody sa Camp Bagong Diwa ang 9 na MPD personnel kasama ang kanilang ground commander na si Senior Supt. Marcelino Pedrozo.

Sa kasalukuyan, patuloy namang nagpapagaling ang may 50 indibidwal na sugatan mula sa hanay ng National Lakbayan of Moro and Indigenous People.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 49,955 total views

 49,955 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 73,107 total views

 73,107 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 143,221 total views

 143,221 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 217,835 total views

 217,835 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 294,254 total views

 294,254 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 350,806 total views

 350,806 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top