Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Martial law ba ang solusyon?

SHARE THE TRUTH

 385 total views

Mga Kapanalig, inaprubahan noong nakaraang linggo ng mayorya ng mga mambabatas ang pagpapalawig ng batas militar sa buong Mindanao nang isang taon pa, batay na rin sa kahilingan ni Pangulong Duterte. Sang-ayon ba kayo sa pag-extend ng batas militar sa Mindanao? Hatî ang publiko sa isyung ito, ngunit nangibabaw sa Kongreso ang kagustuhan ng administrasyong Duterte kahit pa ipinagmalaki nitong napatay na ang mga lider ng Maute at malaya na raw ang sinirang lungsod ng Marawi.

Para saan daw ang isang taóng martial law sa Mindanao? Sa liham na ipinadala ng pangulo sa Kongreso, sinabi niyang batay sa ulat ng Sandatahang Lakas, patuloy na nagre-recruit at at nagsasanay ng mga bagong miyembro ang mga teroristang grupo sa Mindanao. Inisa-isa rin sa liham ang mga pag-atakeng ginawa ng mga terorista upang ipakita ang malaking pinsalang mangyayari kung hindi sila mapipigilan. Tinapos ng pangulo ang kanyang liham sa pamamagitan ng pagsasabing kailangan ang martial law sa Mindanao upang mapigilang umabot ang masasamang gawain ng mga terorista sa ibang bahagi ng bansa.

Hindi isinasapubliko ang impormasyong hawak ng Sandatahang Lakas, na humarap din sa deliberasyon sa Kongreso, ngunit umaasa tayong nakalap iyon sa mahusay at masinop na paraan. Gayunman, nananatili pa rin ang tanong na: kailangan ba talaga ang batas militar sa Mindanao upang pigilan ang mga banta sa seguridad? Sa ibang bansang may banta rin ng terorismo, hindi nila kinailangang suspindihin ang pribiliheyo ng writ of habeas corpus o arestuhin ang sinuman nang walang warrant. Hindi ba magagawa ng mga kinauukulan ang pagpigil sa terorismo nang hindi isinasailalim ang buong Mindanao sa martial law?

May mga eksperto sa batas ang nagtatanong din kung alinsunod sa Saligang Batas ang pagpapalawig ng martial law. Sinasabi po sa ating Konstitusyon na pinahihintulutan ang pagsasailalim sa isang lugar sa batas militar kung may pagsalakay o pananakop at rebelyon, at kinakailangang protektahan ang kaligtasan ng publiko. Maituturing bang rebelyon ang mga nagaganap na pag-atake sa Mindanao? Wala pong nakasaad sa Saligang Batas na pinahihintulutan ang pagpapalawig ng batas militar upang paghandaan ang nagbabadyang pananakop o rebelyon. Sa madaling salita, may ibang paraan upang maisagawa ng mga kinauukulan ang anumang dapat nilang gawin upang panatilihing mapayapa ang isang lugar. Dito mahalaga ang pagkakaroon ng mahusay na intelligence work o pangangalap ng mahahalagang impormasyon nang hindi kinakailangang limitahan ang kalayaan ng mga inosenteng mamamayan, at nang hindi lamang gagamit ng dahas laban sa mga sinasabing kalaban ng estado.

Nakatatakot na tila ba sinasanay ng administrasyon ang taumbayan, lalo na ang mga taga-Mindanao, sa isang pamamalakad na nakasalalay sa puwersang militar. May mga mambabatas mula Mindanao na nagsabing pabor ang kanilang mga nasasakupan sa pagpapalawig ng batas militar, ngunit natanong kaya nila ang libu-libong taga-Marawi na nawala ang halos lahat sa kanila matapos ang ilang buwang bakbakan? Paano nakaaambag ang martial law sa pagbubuo ng isang kultura ng kapayapaan na kailangang pandayin araw-araw upang maitanim ito sa puso ng bawat isa? Hindi kaya ang mga programang pang-edukasyon, panghanapbuhay, pangkalusugan, at pangkatarungan ang dapat na i-extend sa Mindanao sa halip na ang batas militar?

Nakalulungkot ding tila ba isinasantabi ang Saligang Batas para lamang masunod ang nais ng isang pinuno. Binibigyang-diin sa mga panlipunang katuruan ng Simbahan ang prinsipyo ng rule of law: “law is sovereign and not the arbitrary will of individuals.” Mahalagang sinusunod ang nakasaad sa ating Saligang Batas dahil ito ang pananggalang natin laban sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga namumuno at sa pagsupil sa kalayaan ng mga pinamumunuan.
Mga Kapanalig, huwag sanang maging hudyat ang pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao upang sanayin tayong lahat sa pamamahalang walang pagkilala sa mapayapang pagtugon sa mga isyu ng bansa, at walang paggalang sa mga batayang batas ng bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 5,740 total views

 5,740 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 56,303 total views

 56,303 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 5,177 total views

 5,177 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 61,484 total views

 61,484 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 41,679 total views

 41,679 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 5,741 total views

 5,741 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 56,304 total views

 56,304 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 61,485 total views

 61,485 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 41,680 total views

 41,680 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 43,346 total views

 43,346 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 52,027 total views

 52,027 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 66,789 total views

 66,789 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 73,904 total views

 73,904 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 48,034 total views

 48,034 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 47,806 total views

 47,806 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 47,507 total views

 47,507 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 39,841 total views

 39,841 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 79,421 total views

 79,421 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 86,975 total views

 86,975 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 82,858 total views

 82,858 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top