Mass gatherings, pinapalinaw ng Obispo sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 554 total views

Ipinaliwanag ng obispo na ang 10 percent capacity ng mga simbahan ay nakadepende sa pagpapatupad ng kura paroko at ng pastoral council batay sa sitwasyon ng kani-kanilang lugar.

“Hindi po ito defiant sa IATF kundi ito ay affirmation ng right to worship; dapat maintindihan ng tao na sa simbahan ay may principle of subsidiarity, ibig sabihin magbibigay tayo ng instruction at ang magtitingin kung paano maipatutupad ay ang mga lokal na simbahan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Iginiit ni Bishop Pabillo na hindi sinusuway ng arkidiyosesis ang I-A-T-F resolution 104 na nagbabawal ng mass gatherings.

Umaasa ang obispo na linawin ng pamahalaan ang kahulugan ng mass gatherings upang hindi magdulot ng kalituhan ang implementasyon nito sa pamayanan.

Sinabi pa ng obispo na hindi maituturing na mass gathering ang sampung porsyentong kapasidad sa mga simbahan sapagkat malalaki ang simbahan kung saan matiyak ang mahigpit na pagpapatupad ng physical distancing.

Nanindigan si Bishop Pabillo na hindi dapat ipatupad ang pagbabawal sa mga gawaing simbahan lalo ngayong semana santa ng walang pag-uusap at konsultasyon sapagkat magdudulot ito ng kalituhan.

Ipilinawag ng Obispo na mahalaga ang konsultasyon sa pagitan ng simbahan at pamahalaan upang maging malinaw ang ipapatupad na guidelines.

Iginiit ng Obispo na ang “Holy week” ay sentro ng pananampalatayang Katoliko na nararapat gunitain.

Sa Germany, tutol din ang kalipunan ng mga obispo sa pagpapasara ng mga simbahan hanggang sa Easter Sunday dahil sa pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Bishop George Bätzing, pangulo ng German Catholic Bishops’ Conference na napatunayan na ng simbahan ang maingat na pagsasagawa ng gawain noong Disyembre kaya’t makakayanan din nitong maipatupad sa Linggo ng Muling Pagkabuhay.

 

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 31,895 total views

 31,895 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 31,895 total views

 31,895 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 31,895 total views

 31,895 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 30,806 total views

 30,806 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 28,009 total views

 28,009 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top