Mass lay-off, pinangangambahan sa implementasyon ng 14th month pay sa mga manggagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Nangangamba ang sektor ng kalakalan na magtataas ang presyo ng mga industriya at magbabawas ng empleyado sa oras na ipatupad ang pagbibigay ng 14th month pay sa mga manggagawa.

Ito ayon kay Sergio Ortiz Luiz Jr.,chairman at President ng Philippine Exporters Confederation Inc (PHILEXPORT).

Ikinatwiran ni Luiz na malaking bahagi ng mga negosyante sa bansa ay pawang nasa small and medium enterprises.

“Ang problema ang maliliit, siguro ang 14th month pay para sa minimum wage earner ay equivalent sa 40 pesos a day o 10 percent increase ng suweldo. Dalawa lang naman ang choice kapag ang kompanya ay nagdagdag ng suweldo at walang pakialam sa kita nila. Dalawa lang pagpipilian nyan ang isa nagtataas ng presyo ng 10 percent or nagbabawas ng tao ng 10 percent,” ayon kay Ortiz-Luiz.

Ipinaliwanag ni Ortiz-Luiz na mula sa kabuuang higit 40 milyong labor force sa Pilipinas tanging 16 na porsyento lamang ang makikinabang sakaling ipatupad ang 14th month pay.

“Kapag nagtataas ng suweldo, nagbibigay ng benepisyo ang nakikinabang ay yung 16 percent lang. Sa 16 percent ang minimum wage earner dun kalahati lang. So kapag nagtaas ng suweldo hindi totoo yun na para sa kapakanang ng manggagawa- 7 percent lang ang makikinabang duon. Kaya ang 14th month pay para lang sa kapakanan ng 16 percent na manggagawa,” paliwanag pa ni Ortiz-Luis.

Habang ang nalalabing 84 porsiyento ng mga manggagawa ang maapektuhan naman ng pagtaas ng presyo na ipapataw ng mga negosyante kabilang dito ang mga informal sector tulad ng mga tricycle drivers, vendors at iba.

“Kaya kapag hindi kaya ng kompanya nagtaas ng presyo, lahat ng 84 percent ay apektado ng presyo…pero hindi sila nakinabang, yun ang problema natin,” dagdag pa nito.

Sa mensahe ng kanyang kabanalan Francisco, patuloy nitong hinihikayat ang mga pinuno ng bawat pamahalaan na isaalang-alang ang kapakanan ng mas nakakaraming mamamayan sa bawat polisiyang ipatutupad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa Barangay Batasan

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top