Pagiging makasarili, pumipigil sa kabutihan ng tao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 964 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na pagsumikapang magkaroon ng tapat at mapag-arugang puso.

Ipinaliwanag ng Kardinal sa kanyang homiliya sa Mary Comforter of the Afflicted Parish sa Maricaban, Pasay na ang pagkahumaling ng tao sa kaniyang sarili ang nagiging dahilan upang mawala ang katapatan nito sa Diyos at nagiging matigas ang puso kapwa.

Aniya, sa halip na maging mapag-aruga ay napapalitan ito ng kawalang pakialam at kawalang paggalang na dahilan kaya’t nagiging ‘object’ o bagay ang turing ng tao sa kapwa.

“Ang taong ginagamit, nadudurog, naiinsulto, ang kanyang angking kagandahan, nayuyurakan. Nakakalungkot ang pag-aaruga, napapalitan ng paggamit. Ang tao na dapat mahalin, nagiging object, gamit na puwedeng bayaran,” bahagi ng pahayag ng Kardinal.

Iginiit nito na pagmamahal ang susi upang mabura ang pagiging ‘individualistic, objectified na pagturing sa tao at nagpapayabong at nagpapaganda ang katauhan ng bawat isa.

Kaugnay nito, binigyang diin ni Kardinal Tagle ang kahalagahan ng ugnayan sa lahat ng aspeto ng buhay ng bawat tao.

Sinabi ng Kardinal na ang mga katangiang nagpapatigas sa puso ng tao ang siya ring nagpuputol sa ugnayan natin sa kapwa.

Dagdag pa ng Kardinal, kapag naputol na ang ugnayan natin sa ating kapwa ay hindi na titibok ang puso ng tao para sa kabutihan kundi para lamang sa sariling interes.

“Ang pagkamakasarili, nagpapatigil ng pagtibok ng puso, hindi ka na nagmamahal sa iba, minamahal lang ang sarili at yon ay katigasan ng puso.” Dagdag pa ng Kardinal.

Tiniyak ni Cardinal Tagle na ang puso ng mahal na ina ay kailan ma’y hindi tumigil sa pagtibok para sa mga tao, lalo na sa mahihirap, at hindi rin kailan man nagkaroon ng pansariling interes.

Inihayag ng Kardinal na hindi nagmamaliw ang pagmamahal ni Maria, at tulad ng isang ina ay lagi itong dumaramay sa mga nagdadalamhati, at nag-aaruga sa mga nagdurusa.

Dahil dito, umaasa ang kardinal na magsisikap ang bawat mananampalataya upang matularan ang mapag-aruga at tapat na puso ni Maria.

“Hindi nagmamaliw ang puso ng isang ina, laging tumitibok para sa anak, at ang ina hindi sarili ang inuuna kaya kaya n’yang dumamay sa maligaya man o sa nagdadalamhati… Pangatawanan natin, kung s’ya nga ang ating ina, ang puso natin, sana kasing tapat, kasing maarugain, kasing madamayin, katulad ng kan’yang puso.” pahayag ni Kardinal Tagle

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 112,332 total reads

 112,332 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 206,359 total reads

 206,359 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 250,628 total reads

 250,628 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 273,737 total reads

 273,737 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 343,693 total reads

 343,693 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 33,488 total reads

 33,488 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 26,389 total reads

 26,389 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top