Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mataas na kita ng top-50 richest Filipino, pinuna ng CWS

SHARE THE TRUTH

 2,052 total views

Lalong lumalaki ang antas sa kalagayan ng mga manggagawa at mayayamang negosyante sa bansa.
Ito ang pinuna ng Church People Workers Solidarity (CWS) matapos ilathala ng Forbes Magazine Philippines ang top-50 richest Filipino sa taong 2023.

Iginiit ng CWS na hindi makatarungan para sa mga manggagawa ang patuloy na paglago ng kita at yaman ng mga mayayamang negosyante na naitala sa 11-percent ngayong 2023 kumpara sa kanilang kita noong taong 2022.
Ikinalulungkot ng C-W-S na hindi halos makaahon sa kahirapan ang mga ordinaryong manggagawa dahil sa kakarampot na sahod na pinakikinabangan naman ng mga employer. “As large capitalists continue to reap super profits and live in great comfort, the majority of Filipinos grapple with grave vulnerabilities made worse by poverty wages,” ayon sa mensahe ng CWS.

Kaugnay nito, nanawagan ang grupo sa mga negosyante at pamahalaan na itaas ang minimum wage upang mai-angat naman ang kalidad ng pamumuhay ng mga manggagawa.Binigyan diin ng C-W-S na batay sa pag-aaral ng IBON foundation, 1,160-pesos ang family living wage sa N-C-R dulot ng pagtaas sa mga presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo. “The dignity of work must be continuously upheld against the systemically ingrained issue of income inequality, where a privileged minority basks in undeserved luxury, workers who create the wealth of society have the right to fight for a significant wage increase and living wages,” paliwanag ng CWS sa Radio Veritas

Binigyan diin sa ensiklikal na Laborem Exercens ni St. John Paul II na nararapat bigyang halaga ang kapakanan ng bawat manggagawa kabilang na ang pagbibigay ng wastong pasahod at benepisyo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 28,762 total views

 28,762 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 46,746 total views

 46,746 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 66,683 total views

 66,683 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 83,591 total views

 83,591 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 96,966 total views

 96,966 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top