Matatag na pananalig sa Diyos, mabisang gamot sa karamdamang medikal

SHARE THE TRUTH

 905 total views

Huwag isantabi ang paniniwala sa Diyos upang maibsan ang paghihirap ng may mga karamdaman.

Ito ang pagbabahagi ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs Executive Secretary Father Jerome Secillano sa paggunita ng World Day of the Sick.

Ayon sa Pari, bagamat mahalaga ang Agham at Medisina upang matulungan ang mamamayang mayroong karamdam ay nananatiling mahalaga ang pananalig sa Diyos.

“Mahalaga ang medisina at siyensiya sa pagsugpo sa mga sakit na lumalaganap at nagpapahirap sa tao. Ngunit di natin puwedeng isantabi ang magagawa ng Diyos para pagalingin ang mga may karamdaman lalo nating kailangan ang tulong ng Diyos ngayong panahon ng pandemya,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Father Secillano.

Kasabay naman ng naging paggunita sa kapistahan ng Our Lady of Lourdes, ay naging kahilingan ng Pari sa Mahal na Birheng Maria ang patuloy na paglalapit sa Panginoon sa pamamagitan ng mga panalangin.

Ito ay upang maibsan ang nararadamang sakit ng bawat mamamayan at magkaroon rin ng kapanatagan ng loob.

“Sa kapistahan ng Birhen ng Lourdes, nawa’y ilapit at ipanalangin tayo ng mahal na ina para sa ikapapanatag at ikagagaling ng lahat ng may karamdaman,” ayon pa kay Father Secillano.

Ngayong taon ay naging tema naman ng paggunita ang “Be Merciful Even As Your Father Is Merciful” na hinango mula sa Ebanghelyo ni San Lukas.

Taong 1992 ng pinasimulan ni Saint John Paul II ang World Day of the Sick na hinihimok ang bawat mamamayan, Catholic health institutions at lipunan na kalingain ang may mga karamdaman.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 13,509 total views

 13,509 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 28,153 total views

 28,153 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 42,455 total views

 42,455 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 59,157 total views

 59,157 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 104,968 total views

 104,968 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

YSLEP, kinilala ng MOP

 2,498 total views

 2,498 total views Kinilala ng Military Ordinariate of the Philippines ang Caritas Manila Youth Servant Leader and Education Program o YSLEP TELETHON 2025. Ayon kay M-O-P

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top