Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

May badyet na sa wakas!

SHARE THE TRUTH

 285 total views

Mga Kapanalig, matapos ang ilang buwang pagtatalo ng ating mga mambabatas tungkol sa pambansang badyet, pinirmahan na sa wakas ni Pangulong Duterte noong Abril 15 ang Republic Act No. 11260 o ang General Appropriations Act (o GAA) para sa taóng 2019. Naglaan ang pamahalaan ng mahigit 3.6 trilyong piso para sa mga proyektong tutulong magpalago ng ekonomiya, magtataguyod ng kapayapaan at kaayusan sa ating bansa, at maghahatid ng serbisyo lalo na sa mga nangangailangan. Kabilang sa mga ito ang mga proyektong pang-imprastraktura katulad ng Metro Manila Subway na babagtas mula Quezon City hanggang Taguig, at ng Pasig River Ferry Convergence Program na magdadagdag ng 17 istasyon upang mas dumami ang gumamit ng ferry service na ito. Popondohan din ang mga bagong linya ng tren, paliparan, at pantalan sa labas ng Metro Manila, gayundin ang irigasyon para sa mga sakahan. Pinakamalaki ang pondong matatanggap ng sektor ng edukasyon (lalo na’t libre ang pag-aaral sa mga state universities and colleges), at ipagpapatuloy din ng DSWD ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Ayon sa Department of Budget and Management o DBM, ibinase raw ang paglalaan ng pondo ng bayan sa tinatawag nitong cash-based budgeting. Ibig sabihin, ang mga gastusin lamang sa loob ng 2019 ang nakapaloob sa badyet, ngunit kung hindi maiiwasang lumampas ang pagpapatupad ng isang proyekto hanggang 2020, may palugit ang badyet na hanggang Marso ng susunod na taon. Kabaligtaran ito ng obligation-based na badyet kung saan nakapagtatabi ng pondo ang mga ahensya para sa mga gawain at proyekto nila kahit lumapas pa ito sa fiscal year. Sinasabing mas mainam ang cash-based budgeting dahil natitiyak daw nitong may matatapos na proyekto at malinaw na mga benepisyaryo sa loob ng isang taon.

Ginamit din ng pangulo ang kanyang kapangyarihang i-veto o ipawalambisa ang mga probisyon ng pambansang badyet na sa kanyang paniwala ay hindi dapat isama. May 12 probisyon sa isinumiteng badyet ng Kongreso na hindi raw sang-ayon sa mga prayoridad ng administrasyon, katulad ng mga proyektong isiningit sa badyet ng DPWH na aabot sana ng higit sa 95 bilyong piso. Nariyan din ang pagbibigay ng karagdagang pondo sa mga lokal na pamahalaan na bagamat hindi lubusang tinanggal sa badyet ay nilagyan ng kaakibat na kondisyon upang maipatupad. Sa kabila nito, hindi pa rin nawawala ang pagdududa matapos maakusahang may mga isiningit na mga proyekto sa pondo.

Kahit sinasabing “pork-free” na ang badyet ng pamahalaan—ibig sabihin, wala nang pondong ilalaan para sa mga proyekto sa mga distrito ng mga pinapaborang mambabatas ng administrasyon o ng liderato ng Kamara—dapat pa rin nating tutukan ang paggamit ng pondo ng bayan.

Paano itinataguyod ng mga programa at proyekto ng pamahalaan ang dignidad ng bawat Pilipino? Lahat ba ng inaasahang makinabang ay nakikinabang? O baka naman may mga isinasantabi?

Sa sektor ng edukasyon, halimbawa, dapat tiyaking maayos ang kalidad ng edukasyong natatanggap ng mga bata. Ang mga tumatanggap ng ayuda mula sa 4Ps ay dapat na nasusubaybayan upang matiyak na tumutupad ang mga magulang sa mga kaakibat nitong kondisyon katulad ng pag-aaral ng mga anak. Ang mga proyektong imprastraktura, na mahalagang-mahalaga upang umunlad ang ekonomiya, ay dapat na isinasaalang-alang din ang mga pamilyang kailangang ilipat. Dapat ding mapakinabangan ang mga ito ng publiko, hindi lamang ng mga mayayaman at may negosyo.

Sabi nga, mga Kapanalig, sa pastoral letter na “Economic Justice for All” na isinulat ng mga obispo sa Amerika, mahuhusgahan ang anumang hakbang na ginagawa ng mga institusyong katulad ng pamahalaan sa kung paano itinataguyod o isinasantabi ang dignidad ng tao. Sa ganitong diwa natin bantayan ang badyet ng bayan para sa taóng ito.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 4,492 total views

 4,492 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 17,632 total views

 17,632 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 23,605 total views

 23,605 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 29,360 total views

 29,360 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 36,622 total views

 36,622 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 4,493 total views

 4,493 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 17,633 total views

 17,633 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 23,606 total views

 23,606 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 29,361 total views

 29,361 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 36,623 total views

 36,623 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 40,952 total views

 40,952 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,333 total views

 36,333 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,337 total views

 48,337 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,379 total views

 56,379 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,936 total views

 47,936 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,361 total views

 46,361 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,147 total views

 48,147 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,072 total views

 45,072 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,386 total views

 59,386 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,076 total views

 63,076 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top