Linggo ng banal na awa ng Diyos, paalala sa bawat mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 922 total views

Ibinahagi ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ang Linggo ng Banal na Awa ng Diyos ay isang paalala sa bawat mananampalataya.

Ayon kay Bangued Bishop Leopoldo Jaucian, Chairman ng Episcopal Commission on Youth ng CBCP, walang hanggang pagpapatawad ang sinasalamin ng Divine Mercy Sunday kaya’t inaanyayahan ng Simbahan ang bawat mananampalataya na isaisip at isapuso ang mithiin ng pagdiriwang ngayong araw na ito.

Itong linggo ng Banal na Awa ng Diyos, pinaalala niya sa atin na walang kasalanan na hindi niya napapatawad, basta palagi nating sasambitin po ‘I trust in You’ Jesus the Divine Mercy,” pahayag ni Bishop Jaucian sa Radio Veritas.

Ayon sa Obispo, ang pagkamatay ni Hesus sa krus ay nagpapakita ng Kanyang Dakilang Awa sa bawat isa dahil niyakap nito ang kamatayan upang matubos ang sanlibutan.

Bagamat nakalilimutan ng tao ang Diyos at naipagpapalit sa mga makamundo at materyal na bagay, nanatili si Hesus na nakagabay dahil bawat isa ay paulit-ulit na pinatatawad.

HABAG SA KABATAAN

Makabuluhan din ang naganap na pagwakas ng National Youth Day 2019 sa Cebu City sapagkat kasabay nito ang Divine Mercy Sunday.

Ayon kay Bishop Jaucian, ipinakikita lamang dito ni Hesus ang kaniyang walang hanggang pagmamahal lalo na sa kabataan kaya’t pinaalalahanan ang bawat isa na sundin ang kalooban ng Diyos.

Una sa lahat, muling ipinakita ng Panginoong Hesus ang kanyang pagmamahal, ang kanyang awa kahit gaano man tayo kamakasalanan nandun pa rin ang walang sawang pagmamahal ng Panginoon Hesus,” ani ng pinuno ng CBCP – ECY.

Ang pahayag ng Obispo ay kasunod ng matagumpay na pambansang pagtitipon ng mga kabataan na nagsimula noong ika – 23 at nagtapos sa ika – 28 ng Abril sa kabila ng mga hamon at balakid na napagdaanan.

Dahil dito labis ang pasalamat ni Bishop Jaucian sa lahat ng indibidwal na nakiisa sa malawakang pagtitipon ng mga kabataan upang ipagdiriwang ang National Youth Day.

Sa tala ng NYD Committee mahigit sa 12, 000 mga kabataan ang nakilahok sa NYD kabilang na ang mga volunteers mula sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Cebu.

So una sa lahat, sa lahat ng mga tumulong lalo na sa Archdiocese ng Cebu na pinangunahan ni Archbishop Jose Palma, daghang salamat and all those who contributed this success. Maraming salamat sa lahat ng tumulong at nagparticipate . Ang pagmamahal ng Diyos ang Divine Mercy nawa’y mananatili sa atin,” sinabi ni Bishop Jaucian.

Ang susunod na National Youth Day ay gagapin sa Arkidiyosesis ng Nueva Caceres sa rehiyon ng Bicol sa 2021.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 2,408 total views

 2,408 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 77,022 total views

 77,022 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 157,101 total views

 157,101 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 200,240 total views

 200,240 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 201,261 total views

 201,261 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top