Sri Lankan Ambassador, pinuri ang kabutihan ng mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 813 total views

Nagpahayag ng pasasalamat ang Ambassador ng Sri Lanka sa Pilipinas sa simpatya, pakikiramay at pananalangin ng mga Filipino para sa kapakanan ng mga Sri Lankan kasunod ng madugong Easter Sunday Terror Attack sa bansa.

Ayon kay Sri Lanka’s Ambassador to the Philippines Aruni Ranaraja na personal na dumalo sa isinasagawang Holy Mass and Holy Hour for Peace in Sri Lanka and Earthquake Victims sa National Shrine of Our Lady of Guadalupe sa Makati City malaking bagay para sa Sri Lankan community sa Pilipinas ang pakikiisa ng mga Filipino sa oras ng pagluluksa ng kanilang bansa.

Pinuri ni Ambassador Ranaraja ang kabutihan ng mga Filipinong nagsilbing sandigan at karamay ng maraming Sri Lankan kasunod ng naganap na trahedya.

As you know the Easter Sunday in Sri Lanka last 21st, Sri Lanka was devastated we never expected such a thing I’m in a shock actually and I still wondering if I am in a dream but the Filipino people, the Filipino friendly people came and they came to us and they gave solidarity, so thank you very much for that solidarity, Philippines has been always very good for Sri Lanka during our previous difficulties Philippines has been a friend so I’m very grateful to the Filipino people, thank you.” pasasalamat ni Ambassador Ranaraja sa panayam sa Radyo Veritas.

Bukod dito, nagpahayag rin ng pasasalamat si Ambassador Ranaraja sa pamunuan ng National Shrine of Our Lady of Guadalupe sa Makati City sa pagsasagawa ng banal na misa at holy hour for peace na partikular na inialay para sa Sri Lanka.

Paliwanag ni Ambassador Ranaraja, higit sa anupaman ay panalangin ang lubos pang kinakailangan sa ngayon ng kanilang bansa upang agad na makabangon at malagpasan ang naganap na marahas na insidente na ikinasawi ng mahigit sa 250 inosenteng indibidwal.

You know as the Parish Priest just said, prayers and the blessings is important and not to hate anybody, so my message is peace you have to pray for the country that’s my message to the people you have to pray” Dagdag pahayag ni Ambassador Ranaraja.

OUR LADY OF GUADALUPE – PRO-LIFE PATRONESS

Makakatagpo ang bawat isa ng pag-asa at panibagong lakas kay Hesus na muling nabuhay.

Ito ang mensahe ni Rev. Fr. Eric Castro, Rector ng National Shrine of Our Lady of Guadalupe, Makati sa isinagawang misa at holy hour ng pambansang dambana para sa mga biktima ng madugong Easter Sunday Terror Attack sa Sri Lanka at maging sa mga biktima ng magkakasunod na lindol sa Pilipinas.

Paliwanag ng Pari, tulad ng mensahe ng Our Lady of Guadalupe na siyang pro-life patroness ng bansa, mahalagang mapanatili ng bawat isa ang pananampalataya sa Panginoon at humingi ng panibagong lakas kay Hesus upang tuluyang malagpasan ang mga hamon sa buhay.

Bagamat nakakalungkot isipin, ang mensahe siguro nitong Misa at Holy Hour na ito ay makakatagpo tayo ng pag-asa, makakakuha tayo ng lakas kay Hesus na muling nabuhay kasi nangyari, naganap ay kapaskuhan ng pagkabuhay kaya tayo ay humihingi kay Hesus na muling nabuhay ng lakas at pag-asa para malampasan ang lahat ng ito… ang National Shrine ng Our Lady of Guadalupe is a pro-life shrine at ang Our Lady of Guadalupe is the pro-life patroness of the Philippines kaya para sa buhay kailangan naninindigan tayo para sa buhay…” pahayag ni Father Castro sa panayam sa Radyo Veritas.

Ibinahagi naman ni Fr. Castro na bilang mga Katoliko’t Krisyano ay mahalaga ang pakikiisa ng mga Filipinong Katoliko maging sa mga mananampalataya sa ibayong dagat na dumaranas ng paghihirap at pagdurusa dulot ng karahasan.

Dahil dito inihayag ng Pari na naaangkop lamang na magpaabot ng pananalangin at pakikibahagi ang mga Filipinong Katoliko sa mga Sri Lankan na lubos na naapektuhan ng naganap na karahasan.

Samantala, nagpahayag rin ng pasasalamat ang Sri Lankan Resident Guest Priest ng National Shrine of Our Lady of Guadalupe na si Fr. Maximus Pushpakumara sa naging mainit na pakikiisa ng mga mananampalataya ng pambansang dambanan sa isinagawang Mass and Holy Hour for Peace in Sri Lanka and Earthquake Victims na dinaluhan rin ng Sri Lankan community sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 3,743 total views

 3,743 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 78,357 total views

 78,357 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 158,436 total views

 158,436 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 201,575 total views

 201,575 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 202,514 total views

 202,514 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top