389 total views
Hinimok ng punong pastol ng Diyosesis ng Baguio ang mananampalataya na huwag mawalan ng pag-asa sa kabila ng paghihirap na dinaranas ng mamamayan.
Ayon kay Bishop Victor Bendico, bagamat mabigat ang pinagdaanan ng mga tao ngayong taong 2020, mas malawak pa rin ang pag-asang hatid ng Panginoong Hesus na isinilang na mapagtagumapayan ang bawat hamon ng buhay.
“Our sight now might be blocked by a mountain of problems, worries and uncertainties; but we should not be discouraged, there is still a wide space for hope and Christmas is one season that pushes us to be hopeful, to look beyond the horizon of 2020,” pahayag ni Bishop Bendico sa Radio Veritas.
Ito ang pagninilay ng obispo sa pagdiriwang ng pasko ng pagsilang ni Hesus lalo’t maituturing na kakaiba ang selebrasyon ngayong taon dahil sa mga restriction na ipinatupad ng pamahalaan dahil sa pag-iingat laban sa nakahahawang corona virus.
Tiniyak ni Bishop Bendico na si Hesus ang Emmanuel o sumasaatin ang Diyos kaya’t nadidinig nito ang hinaing ng mamamayan lalo na ng mga dukha na labis apektado ng krisis.
“In a world full of darkness and unsolved problems, let us continue to hope in Him who sees everything from the perspective of eternity,” saad ni Bishop Bendico.
Sa taya ng World Bank kung magpapatuloy ang pandemya, halos tatlong milyong Filipino ang pinangagambahang malugmok sa labis na kahirapan dahil sa kawalan ng pagkakakitaan.
Samantala paalala naman ni Bishop Bendico sa mamamayan na kung sakaling hindi pa naisakatuparan ang mga dasal ay huwag mawalan ng pag-asa sapagkat nananatili ang pag-ibig ng Diyos sa bawat tao.
“If ever our hopes are not yet fulfilled, if ever our prayers are not answered, God must have his reasons which we do not know. Let us not put any deadlines on God, for God is a God of infinite possibilities,” ani Bishop Bendico.