Men of Light ng Radio Veritas, ginawaran ng parangal ng CMMA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 539 total views

Paiigtingin pa ng Men of Light ang kanilang gawain sa pagbabahagi ng mabuting balita ng Panginoon gamit ang makabagong uri ng media sa kasalukuyan.

Ayon kay Reverend Father Deogracias Galang, sisikapin ng grupo na makatulong na mapaigting ang katesismo tungkol sa pananampalatayang katoliko lalo’t nalalapit na ang pagdiriwang ng ika – 500 anibersaryo ng kristiyanismo sa 2021.

“We foresee Men of Light playing an important role in this wonderful celebration,” pahayag ni Fr. Galang sa Radio Veritas.

Tinatalakay sa nasabing programa ang mga ebanghelyo tuwing linggo upang mabigyan ng pagninilay at kapupulutan ng aral ng mga tagasubaybay hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibayong dagat.

Sa ginanap na ika – 41 Catholic Mass Media Awards ginawaran ng Saint John Paul II Special CMMA Award Ang Men Of Light dahil sa natatanging ambag nito sa pagpapalago ng pananampalataya at turo ng simbahan.

Nagpasalamat si Fr. Galang sa pamunuan ng CMMA sa parangal na ibinigay na magsisilbing inspirasyon para mas pag-ibayuhin pa ang 16 na taong programa upang higit pang maabot ang mananampalatayang katoliko.

Sa salaysay ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, ang main anchor ng Men Of Light, nagsimula ang programa sa Archdiocese ng San Fernando Pampanga sa pangunguna ng Archdiocesan Media-Apostolate Unlimited Incoporated (AMANU).

Pagsasalarawan ni Bishop David, informal at conversational mode ang ginagamit ng Men of Light sa mga talakayan upang higit na maunawaan ng manonood at tagapakinig ang bawat ibinabahaging impormasyon. Naging mentor ng AMANU sa pag-produce ng Men of Light ang namayapang batikang direktor sa pelikula at telebisyon na si Marilou – Diaz Abaya na naging direktor ng programa nang halos sampung taon bago pumanaw.

Ang Men of Light ay kasalukuyang napapanood sa CLTV 36, ang regional free channel ng Pampanga at maging sa mga social media sites tulad ng Facebook, Instagram, at Youtube habang napakikinggan din ito sa Radyo Maria at sa kapanalig na himpilan Radio Veritas 846 tuwing linggo alas kuwatro y media hanggang alas singko ng umaga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 91,483 total views

 91,483 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 91,483 total views

 91,483 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 91,483 total views

 91,483 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 88,738 total views

 88,738 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 81,068 total views

 81,068 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top