Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mental health care sa mga apektado ng pandemya, tinututukan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 410 total views

July 3, 2020-11:10am

Patuloy na ginagampanan ng simbahan ang paglilingkod sa sambayanan dahil sa krisis na dulot ng pandemya.

Ayon kay Military Ordinariate Bishop Oscar Jaime Florencio-vice chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC), hindi lamang sa pagbibigay ng tulong sa pagkain at kabuhayan kundi maging sa mental health care.

Sa kasalukuyan ayon sa obispo ay nakikipagtulungan ang health ministry ng simbahan sa iba’t ibang lalawigan at lungsod para bigyang tugon ang epekto ng pandemya lalu na sa kaisipan ng bawat indibidwal kabilang na ang depresyon.

“And ngayon mayroon din kaming networking sa malalaking cities because hindi lang ang problema ay sa pagkain, hindi lang sa trabaho, kundi sa mental health care ng mga tao din, and the depression they have, sa nangyayari ngayon,” ayon kay Bishop Florencio.

Paalala pa ni Bishop Florencio, hindi dapat ipagwalang bahala ang kaakibat na suliranin ng pandemya na labis ng nakakaapekto lalu na sa ating kalusugan at ekonomiya.

“Pero ang importante dito ay mayroon tayong gagawin. We have to do something. Kaya sinasabi ko palagi na, “Tao ang gawa, nasa Diyos ang Awa,” dagdag pa ng obispo.

Giit ng obispo ang mahalaga ay may dapat gawin ang pamahalaan, simbahan at mamamayan upang malagpasan ang krisis na kinakaharap ng lipunan na dulot ng novel coronavirus.

Sa Diocese ng Kalookan, inilunsad naman ang HopeLine para sa mga nangangailangan ng payo at makikinig sa kanilang pinagdaraanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 12,442 total views

 12,442 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 35,274 total views

 35,274 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 59,674 total views

 59,674 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 78,680 total views

 78,680 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 98,423 total views

 98,423 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV: ‘War is never holy’

 44,359 total views

 44,359 total views Nanawagan si Pope Leo XIV para sa kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng mga bansa at relihiyon sa pandaigdigang pagtitipon ng Community of

Read More »
Scroll to Top