Katarungan para sa 14 na managingisda, panawagan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 673 total reads

July 4, 2020-6:03am

Nanawagan ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga otoridad na imbestigahan ang tunay na nangyari sa pagbangga ng Hong Kong cargo vessel sa bangka ng mga Filipinong mangingisda sa karagatan ng Occidental Mindoro.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Vice Chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) mahalagang mabigyang katarungan ang sinapit ng 14 na Filipinong mangingisda na magpahanggang sa ngayon ay hindi pa natatagpuan.

Binigyang diin rin ng Obispo na napapanahon na upang tutukan ng pamahalaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga mangingisda lalo na sa karagatang sakop ng bansa upang maiwasan ang mga katulad na insidente.

Giit ni Bishop Santos, higit kailanman ay nararapat na ring isulong ng pamahalaan ang soberanya ng bansa.

“There should be thorough investigation so that truth could out and justice be served. It is now most opportune time to do what is best, most beneficial so that our fishermen would be well protected; their fishing rights be respected and observed; and tragic events could be avoided. We also, have assert our rights and sovereignty over our lands and seas,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Tiniyak naman ng Obispo ang pakikiisa at pananalangin para sa kaligtasan ng nawawalang mangingisda at kapanatagan ng loob ng kanilang mga pamilya.

Batay sa paunang imbestigasyon, nabangga ng Hong Kong cargo vessel na MV Veinna Wood ang MV Liberty Cinco (5) na pag-aari ng Irma Fishing and Trading kung saan lulan ang nawawalang 14 na Filipinong mangingisda sa karagatang ng Cape Calavite, Occidental Mindoro.

Patuloy naman ang isinasagawang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) upang mahanap ang mga nawawalang mangingisda na sinasabing iniwan lamang ng Hong Kong cargo vessel matapos mawasak ang bangka ng mga ito kasunod ng naganap na banggaan.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 13,768 total reads

 13,768 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 157,972 total reads

 157,972 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 192,649 total reads

 192,649 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 209,790 total reads

 209,790 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 246,276 total reads

 246,276 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 255,310 total reads

 255,310 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 13,769 total reads

 13,769 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top