Anti-terror Act of 2020, silencer ng administrasyong Duterte sa kalaban

SHARE THE TRUTH

 412 total views

July 4, 2020-9:44am

Magagamit bilang instrumento para sindakin at patahimikin ang mamamayan.

Ito ang pangamba ni Fr. Christian Buenafe, O.Carm-chairperson ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) sa ginawang paglagda ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Anti-Terrorism Bill bilang isang ganap na batas.

Ayon sa Pari ang bagong batas ay isang paraan upang sindakin ang mga kritiko, maralita at maliliit na sektor ng lipunan na hayagang pumupuna at tumututol sa mga nagaganap na kawalang katarungan sa lipunan.

“The government has institutionalized terror as a tool to silence its citizens. Today is the beginning of a new wave of terror to be unleashed against critics, the poor and exploited,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Buenafe.

Nanawagan din ang Pari sa mamamayang Filipino na labanan ang kasamaan at kabuktutan sa pamamagitan ng kabutihan.

Paliwanag ni Fr. Buenafe, mahalagang manindigan ang bawat isa laban sa anumang uri ng pagtatangka na sindakin at supilin ang mga karapatan at kalayaan ng mga mamamayan.

“Today we call on all Filipinos to resist evil with good. Resist against Terror and repression,” dagdag pa ng pari.

Ika-3 ng Hulyo ng lagdaan ni Pangulong Duterte ang Anti-Terrorism Act of 2020 na mag-aamyenda sa kasalukuyang Anti-Terrorism Law ng bansa.

Una ng nagpahayag ng pangamba ang iba’t ibang sektor ng lipunan kabilang na ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa mga kwestyunableng probisyon na maaring maisantabi ang ilan sa mga mahahalagang karapatan ng mamamayan kabilang na ang karapatan sa malayang pagpapahayag at ang due process ng batas.

WATCH: Limang dahilan bakit tutol ang Simbahan sa pagsasabatas ng Anti-Terror Act of 2020

 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pakikiisa sa mga imigrante

 14,302 total views

 14,302 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 31,822 total views

 31,822 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 85,398 total views

 85,398 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 102,639 total views

 102,639 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 117,128 total views

 117,128 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 21,741 total views

 21,741 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 24,769 total views

 24,769 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »
Scroll to Top