334 total views
July 4, 2020-11:39am
Hindi sang-ayon ang Diyosesis ng balanga bataan sa mungkahing na ‘online o virtual wedding’.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, ito ay isang mahalagang sakramento ng simbahan na nagtataglay ng tatlong panuntunan pagsang-ayon, komunyon at kasunduan.
“Church wedding is a covenant between the couple themselves, and they as a couple with God as Godparents being the witness, and the priest a minister. Thus, it is a community celebration,” ayon sa pahayag ni Bishop Santos.
Ito ay kusang loob na ibinibigay nang walang pananakot at pamimilit.
Paliwang ng obispo na hindi makakatiyak ang pari na ang pag-iisang dibdib ng magkasintahan ay bunga ng kanilang malayang pagpapasya.
“With online wedding how can we, priests, be sure and certain that the couple is not impeded in their free decision to get married,” ayon pa sa kay Bishop Santos sa FB post ng The Roman Catholic Diocese of Balanga.
Ang reaksyon ng obispo ay kaugnay na rin sa ilang mungkahi ng ilan para sa online wedding dulot na rin ng patuloy na banta ng pandemya.
Kung saan ilang mga kasal na rin ang nabinbin dahil sa umiiral na lockdown at paglilimita sa bilang ng mga dadalo sa mga pagdiriwang.
Sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ), pinapayagan ang 50-porsiyento ng kapasidad ng simbahan ang maaring dumalo, habang 30-katao naman sa mga pagdiriwang ng binyag at kasal ang maaring dumalo sa parokya.
Habang sa General Community Quarantine (GCQ) ay 10-katao lamang ang pinahihintulutang dumalo sa simbahan.
10-PORSIYENTO NG KAPASIDAD NG SIMBAHAN, PINAHINTULUTAN
Simula sa ika-10 Hulyo, mas marami ng mga mananampalataya ang papayagang makapasok at makapagsimba sa mga parokya sa mga lugar na umiiral ang GCQ.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, 10-porsyento na ng kabuuang kapasidad ng simbahan o bahay dalanginan ang papahintulutan para religious gatherings mula sa dating 10-katao lamang.
Mananatili namang sa 50-porsyento ng kapasidad ng simbahan ang pinapayagan para sa mga lugar na umiiral ang MGCQ.
Una na ring naglabas ng panuntunan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) bilang gabay sa mga parokya sa mga ipatutupad na health protocols bilang paghahanda sa pagbubukas ng simbahan sa mas maraming bilang ng mga magsisimba.
Ilan sa mga ito ang mahigpit na pagpapatupad ng pagsusuot ng face mask, physical distancing, footh bath at ang pagbibigay ng mga personal information ng mga dadalo sa misa para sa contact tracing.