Karagdagang bilang sa pagdalo sa religious gatherings, pinuri ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 605 total reads

July 4, 2020-5:18pm

Pinuri ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang desisyon ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) na pahintulutan na ang pagdalo ng 10-porsyento ng kapasidad ng mga Simbahan sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine.

Ayon sa Obispo, malaki ang diperensya ng 10-indibidwal sa 10-porsyento ng kapasidad ng mga Simbahan lalu na’t mayroong iba’t ibang laki at kapasidad ang mga Simbahan kung saan maari pa ding pairalin ang physical distancing ng mga mananampalataya.

Pagbabahagi ni Bishop Pabillo, naghahanda na ang mga Pari ng arkidiyosesis upang tumanggap ng 10-porsyento ng kapasidad ng mga Simbahan simula sa ika-10 ng Hulyo.

“So it’s a good development at ang mga kaparian natin ay naghahanda na para sa July 10 ay maka-accommodate na sila ng 10-percent ng capacity ng Simbahan, so it’s a good development congratulations sa IATF na nakita nila ang kahalagahan noon,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radyo Veritas.

Tiniyak naman ng Obispo na patuloy na susundin at ipatutupad ng Archdiocese of Manila sa mga panuntunan ng pamahalaan kabilang na ang physical distancing, paghuhugas o pagdisinfect ng mga kamay at pagsusuot ng face mask ng mga mananampalataya na dadalo sa mga banal na pagdiriwang.

Pagbabahagi ni Bishop Pabillo, naaangkop ang bagong panuntunan ng IATF sa mga mananampalataya na nais na dumalo sa pang-araw-araw na mga misa.

Paliwanag ng Obispo, bagamat maliit na porsyento pa rin lamang ito ng mga mananampalatayang maaring dumalo sa mga pagdiriwang lalu na tuwing araw ng Linggo ay mas naaangkop naman ang panuntunang ito na madaragdagan ang papayagang makadalo.

“Palagay ko yung 10-percent na yun ay maganda na yan para sa pang-araw-araw na misa, pang-araw-araw na misa halos lahat ng magsisimba ay makakapasok na sa Simbahan ang problema lamang natin yung pang-Linggo pero anyway we can wait kapag mag-50-percent na tayo kapag modified na,” dagdag pa ni Bishop Broderick Pabillo.

Hinikayat rin ng Obispo ang iba pang mananampalataya na patuloy na makibagi sa online masses dahil sa limitado pa ring bilang ng mga maaring personal na makadalo sa mga banal na pagdiriwang.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque magkakaroon ng “dry run” ang naturang bagong panuntunan bukas ika-5 ng Hulyo bago ang implementasyon nito sa ika-10 ng Hulyo.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 22,518 total reads

 22,518 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 43,064 total reads

 43,064 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 116,742 total reads

 116,742 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 202,112 total reads

 202,112 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 248,847 total reads

 248,847 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 296,718 total reads

 296,718 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 394,697 total reads

 394,697 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top