Businessmen, sinasamantala ang Covid-19 pandemic sa pagpuputol ng puno sa Baguio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 780 total views

July 3, 2020-11:06am

Tila sinamantala ng ilang mga negosyante ang umiiral na lockdown sa Baguio City upang mamutol ng puno.

Ito ang inihayag ni Fr. Mario Tambic, director ng Commission on Environment ng Diocese ng Baguio.

Sa nakalipas na linggo, may 53 pine trees ang sinasabing pinutol para sa magbigay daan sa pagpapatayo ng 12-storey condominium.

Ayon pa sa pari, nag-usbungan din sa lungsod ang mga karatula na ipinapaalam ang pagtatayo ng mga gusali kaya’t pinapangambahan din na ilan pang mga puno ang maaring tanggalin.

“Ang nakakalungkot dito, talaga ang Baguio sa tingin masesemento lahat. They hire or nagkokontrata sila ng mga magre-raise ng kanilang seedlings, pero hindi naman dito itatanim. Ang Baguio ay chartered city. Maliit lang na city ito. At kapag talagang maubos itong kahoy, kahit na ano pa ang gawin nilang magpropagate ng seedlings, saan pa nila itatanim iyan,” ayon kay Fr. Tambic.

Una na kinondena ni Baguio Bishop Victor Bendico ang pagtatanggal sa mga puno na pangunahing pananggagalang laban sa baha at pagguho ng mga lupa.

Giit pa ng obispo na ang pamumutol ng puno ay paninira sa kalikasan at tungkulin ng bawat isa na pangalagaan para na rin sa kabutihan ng higit na nakakarami.

Una na ring isinulong sa Baguio City ang moratorium  laban sa pamumutol ng mga puno bilang isang hakbang sa pangangalaga sa kalikasan.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 153,337 total views

 153,337 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 183,560 total views

 183,560 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 210,206 total views

 210,206 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 305,179 total views

 305,179 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 316,196 total views

 316,196 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top