VeritasPH

The Word, The Truth

Meyor ng Pilipinas?

SHARE THE TRUTH

 199 total views

Mga Kapanalig, pinangangatawanan ni Pangulong Duterte ang nais niyang ibansag natin sa kanya noong siya’y nanalo sa pampanguluhang halalan. “Mayor of the Philippines,” iyan po ang gusto niyang itawag sa kanya. Hindi niya marahil maiwan ang kanyang pagiging alkalde ng Davao City sa loob ng napakahabang panahon.

Kaya naman, hindi nakapagtatakang ang mga iminumungkahi niyang patakaran ay tila ba mga ordinansang ipinatutupad sa mga lungsod, bayan, o kaya naman ay barangay. Gaya na lamang noong isang linggo kung saan, sa isang talumpati sa isang okasyon sa Malacañang, binantaan niya ang mga “tambay” o iyong mga kababayan nating nagpapalipas ng oras sa labas dahil sa kung anumang dahilan. Umuwi na raw sila sa kanilang bahay dahil sila raw ay “potential trouble,” mga taong maaaring magsimula ng gulo. Dagdag pa niya, ang mga kalsada raw ay para sa mga mamamayang sumusunod sa batas at hindi tambayan ng mga kriminal at adik. Mas nakababahala ang nais niyang gawin sa mga tambay: talian daw ang kanilang mga kamay at ihulog sa Ilog Pasig. Muli, droga at krimen na naman ang idinahilan niya upang paalisin ang mga tambay.

Halos lahat na yata ng lungsod, bayan, at maging barangay ay mayroong mga kani-kaniyang ordinansa upang panatilihing payapa ang kani-kanilang lugar, at kasama rito ang pagbabawal sa mga taong tumambay sa mga pampublikong lugar o kaya nama’y ang curfew nang maiiwas tayo, lalo na ang mga bata, sa gulo tuwing sasapit ang gabi. Kaya’t bakit kailangan pang magbanta ni Pangulong Duterte sa mga tambay? Wala ba siyang tiwala sa mga lokal na pamahalaan? Ganito rin ang mga tanong noong pinirmahan niya ang isang executive order na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar. Hindi ba’t mayroon naman nang mga ordinansa ang mga lokal na pamahalaan upang hindi maperwisyo ang mga kababayan nating ayaw makalanghap ng usok ng sigarilyo? At sa totoo lang, parang hindi naman nababawasan ang mga naninigarilyo sa mga ipinagbabawal na lugar, kaya’t hindi masasabing ang utos ng hari—o ng mayor—ay hindi mababali.

Umaasa ang mga bumoto kay Pangulong Duterte na magagawa niya sa buong bansa ang mga nagawa niya sa Davao, na sa kanilang paniwala ay maunlad, mapayapa, at disiplinado ang mga mamamayan. At hindi nila alintana kung gagawin ito sa paraang marahas, di-makatao, at walang makatwirang batayan. Nais nilang gawing pambansang patakaran ang solusyong ginawa ng “mayor of the Philippines” noong nasa Davao pa siya.

Sa Catholic social teaching, may prinsipyong kung tawagi’y “subsidiarity.” Sinasabi ng prinsipyong ito na sa isang lipunan, hindi na dapat panghimasukan ng mga may nakatataas na awtoridad, gaya ng pambansang pamahalaan, ang mga bagay na kaya nang tugunan ng mga nasa pamayanan at ng pinakamaliit na yunit ng pamahalaan—gaya ng munisipyo at barangay. Tutulong ang pambansang pamahalaan sa mga pagkakataong hindi na kaya ng lokal na pamahalaang tugunan ang pangangailangan ng kanilang mga mamamayan, gaya halimbawa sa panahon ng kalamidad o matinding rebelyon. Samantala, ang problemang dala ng mga tambay—kung totoo mang sila ang ugat ng problema—ay kaya naman nang tugunan ng lungsod o ng barangay kung ipatutupad lamang ang ordinansa at kung kukunin nila ang tiwala at tulong ng lahat. Kinikilala ng prinsipyo ng subsidiarity ang kakayanan ng mga nasa pamayanang tugunan ang kanilang suliranin dahil sa ganitong paraan sila nakatitindig bilang pamayanan.

Kaya mga Kapanalig, kung sakit sa ulo natin ang mga tambay, baka ang dapat nating kalampagin ay si kapitan o si meyor. At hayaan natin ang pangulong manguna sa pag-iisip ng solusyon sa mas malalaking problema ng bansa gaya ng mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kawalan ng disenteng trabaho at hanapbuhay, at malawakang pagkasira ng kalikasan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 1,492 total views

 1,492 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 17,478 total views

 17,478 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 25,523 total views

 25,523 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 30,603 total views

 30,603 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 36,309 total views

 36,309 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 1,493 total views

 1,493 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 17,479 total views

 17,479 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 25,524 total views

 25,524 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 30,604 total views

 30,604 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 36,310 total views

 36,310 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,180 total views

 44,180 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,105 total views

 41,105 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,419 total views

 55,419 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,109 total views

 59,109 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,712 total views

 57,712 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,699 total views

 67,699 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,667 total views

 71,667 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,554 total views

 82,554 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,993 total views

 94,993 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,751 total views

 105,751 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top