Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,821 total views

Homiliya para sa Ika-15 Linggo ng KP, 13 Hulyo 2025, Lk 10:25-37

Sa mga kalsada natin, dahil napakarami ng motoristang bumibiyahe at mga taong naglalakad sa sidewalk, imposibleng hindi makita o mapansin, kapag may biktimang nakahandusay sa may tabing-daan—naaksidente man o naholdap tulad ng narinig natin sa kuwento ng ebanghelyo.

Pero may mga makabagong kalsada ngayon sa ating panahon na hindi na tulad ng mga pisikal na kalsadang dinadaanan natin. Tinatawag nating mga “digital highways”. Kung tutuusin, malaking blessing para sa atin ang digital technology, malaking pakinabang sa tao ang mga bagong online highways na ito. Pinadali at pinabilis ang komunikasyon. Pero ngayon, nagiging sumpa rin ito. Bakit? Dahil pinadali at pinabilis din ang kakayahan ng mga tulisan na mangulimbat at mambiktima sa mga gumagamit ng digital highways, sa milyon-milyon na bumibiyahe online. Ito ang dahilan kung bakit naglabas kalamakailan ang CBCP ng isang sulat pastoral ukol sa online gambling.

Maiintindihan pa natin kung mga hindi-kilala o mga nakamaskarang mga tulisan ang mangholdap o mambiktima online sa mga digital highways. Marami talagang scammers na mahusay mambudol sa online; gumagamit pa ng AI. Kaya pag may pinindot kang video—maging produkto man ito o porno, o fake news, o political ad, asahan mong sunod-sunod na ang papasok sa newsfeed mo. Automatic, “algorithms” ang tawag dito.

Ang masaklap ay kapag mga ahensya na mismo ng ating gubyerno tulad ng PAGCOR ang nagpapasimuno dito, katulad ng nangyayari ngayon, mula nang gawing legal ang “online gambling”. Ang alam natin online gambling dati ay POGOS—dahil ilegal sa China ang online gambling, dito sila sa Pilipinas nag-operate pero ang pwedeng magsugal ay Chinese lamang. Tulad ng alam natin—naipagbawal na ang mga POGOS dahil naging instrumento ng kriminalidad tulad ng human trafficking, pero ginawa namang legal sa Pilipinas. Dati-rati, ang mga legal na pasugalan dinadayo pa sa mga casino ng mga may-kaya o may perang isusugal. Ngayon, pumasok na ang casino sa bawat cell phone—accessible na sa lahat. Kahit sino—bata, matanda, pwede nang magsugal, 24-oras kada araw, pitong araw kada linggo, kahit saan. Mayaman, o mahirap, may pera o wala, pwedeng magsugal. Pauutangin ka pa ng pansugal sa gcash o e-wallet. Pino-promote pa ng mga bayaran na artista at celebrity, kaya ang daming naaakit.

Hindi tuloy malaman ng mga OFW na kumayod sa abroad at nagremit sa gcash ng mga anak kung bakit hindi nabayaran ang boarding house, o ang matrikula, o ang utang sa sari-sari store. Iyun pala naisugal ng anak o asawa na nalulong sa bisyo ng pagsusugal online. Dati may control sa pasugalan na tulad ng sakla at mahjong, dahil mayroong nanonood, may mangangantiyaw. Ngayon, pwedeng magsugal na walang nanonood, walang nakakaalam, pribado, mabilis, isang pindot sa smart phone, ubos lahat ng kinita. Kaya madaling maadik, at marami sa mga biktima ay mga kabataan, nasisira ang pag-aaral, nawawasak ang kinabukasan, gumuguho ang kabuhayan. Mga misis na dahil kapos sa budget at nakikipagsapalaran. Nagsisimula sa piso-pisong taya patungo sa daan-daan piso at libo-libo. At madalas, imbes na tulungan ang biktima, hinuhusgahan pa, kesyo kasalanan daw nila, mabisyo kasi. Hindi natin makita ang tunay na salarin: ang mismong gubyernong nagbigay pahintulot at nagparami sa mga online gambling platforms sa digital highways, dahil malaki daw ang kinikita para sa gastusing pang-gubyerno para pambigay ayuda. Ang kultura ng ayuda na pinakamabisang paraan ng pagkakamit ng kapangyarihang pampulitika, bumibiktima sa mga kababayan nating dukha at kumakapit sa patalim. Hindi rin natin makita ang mga biktima dahil nakatago sa pribadong pagsusugal sa pamamagitan ng cellphone.

Narinig natin sa unang pagbasa: ang salita ng Diyos ay hindi malayo, hindi mahiwaga. Hindi kailangan ng physical o digital highways para maabot ito. Hindi lumilipad sa alapaap na kailangan pang akyatin; wala sa ibayong dagat na kailangan pang tawirin. Nagpakalapit-lapit na sa atin mula nang magkatawang-tao ang Salita kay Kristo Hesus na tinatanggap natin sa komunyon. Nasa bibig na natin. Ipinagkaloob pa niya sa atin ang Espiritu Santo; nasa puso at diwa na natin, kailangan lang nating panindigan. Gigisingin nito sa loob natin ng Salitang tinatanggap natin, ang pag-ibig sa Diyos na hindi mapaghihiwalay sa malasakit sa kapwa gaya ng sarili.

Kung ang Salita ng Diyos pumapasok sa isip natin, at lumalabas sa bibig natin ay maisagawa din natin, sabi ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa: makikita natin ang Diyos na hindi nakikita. Kay Kristo nagaganap ang pag-uugnay ng langit at lupa, Diyos at tao, at gayundin ng tao sa isa’t isa. Bubuksan nito ang ating mga mata para makita ang hindi nakikitang biktima sa digital highways; bubuksan nito ang ating mga puso, aantigin ang ating kalooban at uudyukin tayo upang magmalasakit, kumilos, at gumawa ng karampatang hakbang upang saklolohan ng mga kaawa-awang mga biktima sa ating lipunan.

READ: https://cbcpnews.net/cbcpnews/cbcp-statement-on-the-moral-and-social-crisis-caused-by-online-gambling/

 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bihag ng sugal

 18,275 total views

 18,275 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 69,000 total views

 69,000 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 85,088 total views

 85,088 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 122,282 total views

 122,282 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 11,867 total views

 11,867 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »

RELATED ARTICLES

DUST

 3,648 total views

 3,648 total views Homily for Thursday of the 14th Week in Ordinary Time 10 July 2025 | Gen 44:18–21, 23–29; 45:1–5 & Mt 10:7–15 There’s one

Read More »

CHRIST IN US

 7,011 total views

 7,011 total views Homily for Fri of the 11th Wk in OT, 20 June 2025, 2Cor 11, 18, 21-30 & Mt 6, 19-23 What do we

Read More »

“TANGING YAMAN”

 15,657 total views

 15,657 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Antonio de Padua, 13 Hunyo 2025, 2 Cor 4:7-15, Mat 5:27-32 Noon huling pyesta na nagmisa ako

Read More »

THE SPIRIT AND US: Partners in Mission

 14,676 total views

 14,676 total views Homily for the 6th Sunday of Easter, 25 May 2025 Readings: Acts 15:1–2, 22–29; Revelation 21:10–14, 22–23; John 14:23–29 Thank you all for

Read More »

TEARS

 24,716 total views

 24,716 total views Homily for Mass for the Easter Octave Mass for the Eternal Repose of Pope Francis, Jn 20:11-18 It is the Octave of Easter.

Read More »

PAGSALUBONG

 27,072 total views

 27,072 total views Homiliya para sa Paskong Pagkabuhay 2025, Juan 20:1-9 Kung may kakaiba o natatangi tungkol sa Pilipinong pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay, ito ay

Read More »

EKSENANG KARUMAL-DUMAL

 37,629 total views

 37,629 total views Homiliya sa Biyernes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong hapon ng Biyernes Santo, tahimik tayong nagtitipon sa harap ng isang larawang karumal-dumal, ang imahen

Read More »

KAIN NA

 20,907 total views

 20,907 total views Homiliya para sa Misa ng Huling Hapunan ng Panginoon Huwebes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong gabing ito, ipinagdiriwang natin ang tatlong malalalim na

Read More »

FULFILL YOUR MINISTRY

 17,521 total views

 17,521 total views Homily for Chrism Mass 2025 My dear brother priests and our beloved priestly people, magandang umaga po sa inyong lahat. Every year, on

Read More »

KAPANATAGAN NG LOOB

 24,694 total views

 24,694 total views Homiliya para sa Linggo ng Palaspas, 13 Abril 2025, Lukas 22-23 Salamat sa Diyos at inalis na ang parusang kamatayan sa ating batas

Read More »
Scroll to Top