Mga botante, binalaan ni Bishop Bacani sa mga makasariling pulitiko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 674 total reads

Ang tama at tunay na diwa ng politika ay ang pagnanais na maluklok sa anumang posisyon sa pamahalaan para sa kabutihan ng sambayanan at hindi para sa pansariling kapakinabangan.

Ito ang binigyang diin ni 1987 Constitutional Framer Novaliches Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa programang Barangay Simbayanan sa Radio Veritas sa paksang ‘Pulitika at Pananampalataya’.

Ayon sa Obispo, ang mga politiko na nagnanais ng posisyon para sa pansariling kapakanan ay may pinakamalaking posibilidad na maging diktador, mapaniil, mapagsamantala at tiwali.

Tiniyak ni Bishop Bacani sa oras na maluklok sa puwesto ang mga tiwaling politiko ay tanging pansariling kapakanan lamang ang mananaig sa halip na kabutihan ng taumbayan.

“Ang tamang politika nais mong malagay sa puder [posisyon] para sa kapakanan ng sambayanan yun ang dahilan, ang naghahanap ng puder para sa kanyang sariling kapakanan ay siguradong magiging diktador yan, tyrant yan, mapagsamantala yan, mapangurakot at dito sa Pilipinas yun ang nangyayari, at kapag nalagay na sa puder at nangurakot na dapat namang ipagtanggol o ipagpatuloy yang pangungurakot para hindi sila maprosecute..” pahayag ni Bishop Bacani Jr. sa Radio Veritas.

Ipinaliwabag ng Obispo na inakasalalay sa mga botante ang soberenya ng bansa.

Iginiit ni Bishop Bacani na nagmumula sa kapangyarihan ng mga botante na maghalal ang kapangyarihan na tinatamasa ng mga opisyal ng bayan na dapat nilang paglingkuran.

“The sovereignty resides on the people na tayo ang may kapangyarihan at yung mga binoboto natin nagkakaroon ng kapangyarihan sa pamamagitan ng ating pagpili sa kanila, ngunit sila ay pinipili natin tayo ang namimili at tayo ang kanilang paglilingkuran.” Dagdag pa ni Bishop Bacani.

Batay sa pinakahuling tala ng Commission on Elections (COMELEC), umaabot sa mahigit 63-milyon ang bilang ng mga rehistradong botante para sa nakatakdang 2022 National ang Local Elections.

inaanyayahan ng Simbahan ang mga botante para sa pagkakaroon ng One Godly Vote o pakikilahok sa proseso ng halalan at pagboto sa pamamagitan ng gabay ng mga panlipunang turo ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 82,523 total reads

 82,523 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 129,910 total reads

 129,910 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 177,781 total reads

 177,781 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 281,729 total reads

 281,729 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 364,033 total reads

 364,033 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top