Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga deboto, inaanyayahang makiisa sa WALK WITH INÂ, RUN FOR CREATION

SHARE THE TRUTH

 4,714 total views

Inaanyayahan ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang bawat mananampalataya lalo na ang mga deboto ng Mahal na Ina ng Peñafrancia sa Bicol region na makibahagi sa nakatakdang WALK WITH INÂ, RUN FOR CREATION A Fun Walk and Run event sa Naga City.

Ayon sa Arsobispo ang naturang gawain ay bahagi ng paggunita sa nalalapit na Season of Creation na ginugunita sa buong buwan ng Setyembre hanggang ikaapat ng Oktubre na Kapistahan ni San Francisco ng Assisi.

Nakatakda ang WALK WITH INÂ, RUN FOR CREATION A Fun Walk and Run event sa ika-31 ng Agosto, 2025 ganap na alas-kwatro ng madaling araw na magsisimula at magtatapos sa Our Lady of Peñafrancia Minor Basilica Complex, Naga City.

“Friends, everyone join WALK WITH INÂ, RUN FOR CREATION a fun walk and run, on August 31, 2025 at 4 o’clock in the morning, it will start and end at Our Lady of Peñafrancia Minor Basilica Complex, Naga City. The event is part of our observance of The Season of Creation which will be from September 1 to October 4, Feast Day of Saint Francis of Assisi.” Bahagi ng paanyaya ni Archbishop Alarcon.

Pagbabahagi ni Archbishop Alarcon, ang nakatakdang gawain na pinangangasiwaan ng Caritas Caceres -na siyang social action arm of the Archdiocese of Caceres ay maituturing din na paghahanda para sa nalalapit na Kapistahan ng Mahal na Ina ng Peñafrancia na patron ng Bicol region.

Paliwanag ng Arsobispo, naangkop din ang gawain upang ganap na maipamalas ang debosyon sa Mahal na Ina ng Peñafrancia kasabay ng pagsusulong at pagpapahalaga sa Inang Kalikasan.

“This event is headed by the Caritas Caceres, the social action arm of the Archdiocese of Caceres. As we practice and show our devotion to Our Lady of Peñafrancia, let us be advocates in caring for creation. Let us show our love for our Mother Mary; let us show our concern for our Mother Earth. Please register and Walk with Inâ, Run for Creation.” Dagdag pa ni Archbishop Alarcon.

Para sa mga nais na makibahagi sa nakatakdang WALK WITH INÂ, RUN FOR CREATION A Fun Walk and Run event maaring makipag-ugnayan sa Caritas-Caceres Naga sa mga numero bilang 0927-180-8835 (Globe) at 0909-555-8784 (Smart).

Tema ng Season of Creation o Panahon ng Paglikha ngayong taon ang “Peace with Creation” o “Kapayapaan kasama ang Sangnilikha” na paanyaya para sa lahat upang pagnilayan ang tungkulin ng bawat isa sa pangangalaga sa mga nilikha ng Diyos.

Sa Pilipinas pinalawig ang pagdiriwang ng Season of Creation hanggang sa ikalawang Linggo ng Oktubre bilang paggunita sa Indigenous People’s Sunday na malaki ang ambag sa pangangalaga sa sangnilikha.

Samantala nakatakda naman ang 315th Feast of the Solemnity of Our Lady of Peñafrancia sa ika-21 ng Setyembre, 2025 na may tema ngayong taon na “Our Lady of Peñafrancia: Mother to All” na layuning higit na mapalawak ang debosyon sa liwanag at mapagkalingang yakap ng Mahal na Ina ng Peñafrancia.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

JOBLESS

 11,354 total views

 11,354 total views Nakakalungkot na reyalidad sa ating bayan, napaka-mahal ang edukasyon, butas-butas ang bulsa ng mga magulang upang maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak, makapagtapos

Read More »

Cha-cha talaga?

 25,586 total views

 25,586 total views Mga Kapanalig, umuugong na naman ang panukalang amyendahan ang ating Saligang Batas.  Isa sa mga nagbunsod nito ay ang hindi pagkakasundo ng mga

Read More »

Mga mata ng taumbayan

 41,680 total views

 41,679 total views Mga Kapanalig, mainit na usapin pa rin ngayon ang mga maanomalyang flood control projects. Bilyun-bilyong piso kasi ang inilalaan ng ating pamahalaan para

Read More »

Bumabaha sa katiwalian

 60,212 total views

 60,212 total views Mga Kapanalig, hindi lang dismayado si Pangulong Bongbong Marcos Jr sa mga anomalyang nakapalibot sa malalaking flood control projects. Galit na raw siya.

Read More »

POOR GETTING POORER

 111,617 total views

 111,617 total views Bakit hindi na nakaka-ahon sa kahirapan ang maraming Pilipino habang patuloy namang yumayaman ang mga mayayaman na? Ano ang pumipigil sa mga mahihirap

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PPCRV, umalma sa pagpapaliban ng BSKE

 53,504 total views

 53,504 total views Nanawagan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na igalang ang kasagraduhan ng regular na pagsasagawa ng halalang pambarangay sa bansa. Ito

Read More »
Scroll to Top