Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 128,800 total views

Bakit hindi na nakaka-ahon sa kahirapan ang maraming Pilipino habang patuloy namang yumayaman ang mga mayayaman na? Ano ang pumipigil sa mga mahihirap na umangat ng kaunti ang pamumuhay?
Kapanalig, sa isinasagawang survey ng OCTA research sa nakaraang buwan ng Hulyo 2025, umaabot sa 12-milyong pamilya ang nagsasabing sila ay mahirap.

Sa nakaraang buwan ng Hulyo, nadagdagan ang mahihirap na pamilya ng 800,000 at pumalo na ito sa 11.9-milyon sa kasalukuyan. Mataas ang bilang na ito sa 11.1-milyon sa nakalipas na buwan ng Abril 2025. Sa OCTA research, 16-percent ng respondents ang nagsasabing hindi sila mahirap habang 39-percent naman ang hindi masabing mahirap o nakakagaan ang kanilang buhay.

Lumabas din sa survey na 41% ng mga Pilipino ang naniniwala na lumala ang kahirapan sa bansa, 47-porsiyento naman ang nagsasabing walang pagbabago sa kalagayan ng kahirapan. Natuklasan din sa survey na mahigit sa 2-milyong pamilyang Pilipino ang dumaranas ng “food poverty” o kahirapang makakain ng tatlong beses sa isang araw.

Ibig sabihin Kapanalig, ang kahirapang dinaranas ng milyung-milyong Pilipino ay likha ng hindi mapigilang pagtaas ng inflation rate na dumidikta sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin lalu na ang pagkain. Sinasabi ng OCTA na ang nararanasang kahirapan ay sanhi ng patuloy na tumataas na food prices at bumababang purchasing power ng mga pamilyang Pilipino na magre-reflect din sa health at nutrisyon ng mga Pilipino.

Kapanalig, sa patuloy na paglaki ng bilang mga mahihirap na Pilipino., lumubo naman ang Assets and Liabilities at Net Worth ng tinaguriang “The Big 6” sa Kamara na responsable sa pagpasa ng national budget noong 19th congress. Sila din ang sinasabing nasa likod ng 800-bilyong pisong flood control projects ng pamahalaan… Pusuan natin sila; number 1 sa listahan si HOUSE SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ– 2025 SALN: PHP 3.465 billion mula PHP 315 million noong 2022 (1,000% increase); pangalawa si FORMER HOUSE APPROPRIATIONS COMMITTEE CHAIRMAN & AKO BICOL PARTY-LIST REP. ZALDY CO– 2025 SALN: PHP 1.51 billion mula PHP 236.7 million noong 2022 (637% increase), pangatlo si SENIOR DEPUTY SPEAKER & QUEZON 2ND DISTRICT REP. DAVID “JAY-JAY” SUAREZ 2025 SALN: PHP 2.34 billion mula PHP 287.6 million noong 2022 (813% increase)., pang-apat si FORMER SENIOR DEPUTY SPEAKER AURELIO “DONG” GONZALES JR. 2025 SALN: PHP 1.3 billion mula PHP 136 million noong 2022 (956% increase); panglima si FORMER MAJORITY LEADER MANNIX DALIPE–2025 SALN: PHP 1.49 billion mula PHP 203.7 million noong 2022 (733% increase) at pang-anim ang CONSTRUCTION TYCOON & CWS PARTY-LIST REP. EDWIN GARDIOLA–2025 SALN: PHP 2.2 billion mula PHP 299 million noong 2022 (735% increase). Kapanalig, ang isang Kongresista ay sumasahod lamang ng mahigit isang daang libong piso kada buwan., eh, paano at saan nanggaling ang bilyunes na pagtaas sa SALN ng anim na mambabatas? Kaya nalulubog sa kahirapan ng maraming Pilipino, sa kanila pala napupunta ang dapat na ibigay na serbisyo sa mga mamamayan. Nakakalungkot, ang taong inilagay natin sa puwesto ay nagpapasasa sa kabangbayan na dapat sa taumbayan.

Kapanalig, tayo din ang may likha ng problema., kaya tayo naghihirap ay dahil sa atin. Ang atin na lang pinaghahawakan, kahit tayo ay mahirap, tayo ay pinagpala dahil mapapasa atin ang kahariang ipingako ng panginoon.

Ang sabi nga ng James 2:5“Listen, my dear brothers and sisters: Has not God chosen those who are poor in the eyes of the world to be rich in faith and to inherit the kingdom he promised those who love him?”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 9,655 total views

 9,655 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 79,767 total views

 79,767 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 154,381 total views

 154,381 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 234,460 total views

 234,460 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 277,415 total views

 277,415 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

ACCOUNTABILITY

 9,656 total views

 9,656 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 79,768 total views

 79,768 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 154,382 total views

 154,382 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 234,461 total views

 234,461 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »
Scroll to Top