Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga lansangang ligtas at para sa lahat

SHARE THE TRUTH

 165 total views

Mga Kapanalig, nag-viral noong isang linggo sa social media ang larawan ng dalawang footbridge dito sa Quezon City. Ang isa ay ginagawa pa lamang sa EDSA Kamuning, habang ginagamit na ng mga tao ang footbridge na nasa Central-Commonweath Avenue. Kapansin-pansin kasi ang pagkataas-taas na mga tawirang ito, na inilarawan ng ilang netizens na tila raw stairway to heaven o patungong langit na. Ngunit ang mas seryosong puna sa mga footbridge na ito, hindi ito friendly o madaling gamitin ng mga kababayan nating may kapansanan o persons with disability at ng mga buntis, matatanda, at mga bata. Paano nga ba sila makaaakyat sa matatarik na tawirang ito na pinagkagastusan ng milyun-milyon ngunit wala man lang elevator?

Paliwanag ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, ang footbridge sa EDSA Kamuning ay sinadyang taasan dahil sa kinakailangang tatlo hanggang apat na metrong distansya mula sa mga kable ng MRT-3. Para rin lang daw ito sa mga pedestrians na kaya namang umakyat ng footbridge ngunit nakikipagpatintero pa rin sa mga sasakyan makatawid lamang sa EDSA. Nais ng MMDA na maiwasan ang pagkakaroon ng aksidente sa lugar kaya sila nagtatayo roon ng nasabing footbridge. Hindi natutugunan ng paliwanag na ito ang reklamo ng ilan tungkol sa hirap ng pag-akyat sa matarik na tawiran.

Ngunit mga makukulit at pasaway nga bang mga tao ang dahilan ng pagkakaroon ng mga aksidente sa daan? Ayon sa datos na ipinakita sa Euro-Asia Road Safety Forum noong 2016, driver error o pagkakamali ng nagmamaneho, mga sirang sasakyan, at ang masamang kondisyon ng mga kalsada ang nangungunang sanhi ng mga aksidente sa lansangan. Ganito rin ang lumabas sa Global Status Report on Road Safety ng World Health Organization noong 2015. Sinabi sa pag-aaral na 19% o halos dalawa lamang sa bawat sampung insidente ng pagkamatay sa mga daan ay dahil sa maling pagtawid o hindi paggamit ng pedestrian lane.

Kabilang ang pagpapahusay sa road safety o kaligtasan sa mga lansangan sa mga Sustainable Development Goals o SDGs, mga pinagkaisang tunguhin ng mga bansang kasapi ng United Nations o UN. Sa taóng 2020, target na mabawasan nang kalahati ang bilang ng mga pagkamatay na dulot ng aksidente sa daan. Sa taóng 2030 naman, sa pamamagitan ng mga pangmatagalang solusyon sa mga isyung pantransportasyon, hangad ng mga bansang magkaroon ng sistema ng transportasyong ligtas at magagamit ng lahat, at kasama rito ang pagtiyak na makatatawid nang matiwasay ang sinuman—ang mga may kapansanan at karamdaman, mga nagdadalantao, mga matatanda, at mga bata.

Ganito rin ang ipinahihiwatig ni Pope Francis sa kaniyang encyclical na Laudato Si’. Aniya, sa pagdami at paglaki ng mga siyudad, tila nalilimutan nang isaalang-alang ang kalidad ng buhay ng mga tao. Marami ang nakararanas ng para bang pagkakulong sa gitna ng mistulang gubat ng mga nagtataasang gusali at sementadong mga daan. Hindi angkop ang ganitong pamumuhay sa mga lungsod upang maitaguyod ang dignidad ng tao, kaya’t isa sa mahalagang pagtuunan ng pansin ang pagiging makatao ng pampublikong transportasyon at mga lansangan—kabilang ang mga tawiran—dahil malaki ang implikasyon nito sa kalayaang kumilos ng mga tao.

Mga Kapanalig, isa lamang ang disenyo ng mga footbridge sa EDSA at Commonwealth Avenue sa mga sumasalamin sa hindi makataong kalagayan ng ating mga lungsod. Kaya’t hindi dapat ipagwalambahala ng MMDA ang mga puna tungkol sa mga matataas na footbridge. Nawa’y maging malikhain pa ang mga nangangasiwa ng ating mga lansangan at ng trapiko, partikular na ang mga lokal na pamahalaan, upang matugunan ang simple ngunit mahalagang bahagi ng pagtiyak na ligtas at para sa lahat ang ating mga lansangan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 6,758 total views

 6,758 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 19,898 total views

 19,898 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 25,871 total views

 25,871 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 31,626 total views

 31,626 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 38,888 total views

 38,888 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 6,759 total views

 6,759 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 19,899 total views

 19,899 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 25,872 total views

 25,872 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 31,627 total views

 31,627 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 38,889 total views

 38,889 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,113 total views

 41,113 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,494 total views

 36,494 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,498 total views

 48,498 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,540 total views

 56,540 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,097 total views

 48,097 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,522 total views

 46,522 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,308 total views

 48,308 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,233 total views

 45,233 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,547 total views

 59,547 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,237 total views

 63,237 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top